Chapter Fourteen: Ayesa Montefalcon's Point of View "Close your eyes." Sabi ni Cordelia sa akin at agad ko namang sinunod ito. Pumikit ako at naramdaman ko ang paghagod ng malambot na make-up brush sa talukap ng mata ko. Ilang minuto din akong nakapikit bago niya ako pinadilat. Nakita ko siyang kumuha ng lipstick saka niya ipinahid ito sa aking lips. Kulay pink ang lipstick at nagmukha naman talaga akong sopistikada ngayon. Nagmukhang buhay ang hitsura ko, buhay naman ako but 'yung kulay ng balat ko. Hindi itio usual na maputi lang, buhay na buhay ang kulay ko at ibang Ayesa ang nakikita ko ngayon. "Ayesa look! Ang ganda-ganda mo ngayon!" Sigaw ni Cordelia habang tinitingnan niya ako. Nahiya naman ako sa papuri nila. "Oo nga Ayesa! Pak na pak ang ganda mo sa buong lahi!" Dagdag pa ni