Chapter 31 Wife NAGISING ako sa matinding sakit ng ulo na sinabayan nang pangangalam ng sikmura ko. Isang bagay na hindi ko matandaan kung kailan ko huling naranasan dahil matagal na nang huling beses akong nalasing. “We will go! I’ll talk to her again so sign her up!” I groaned as I opened my eyes and saw Pisces moving back and forth in front of me while talking to someone in his phone. Hinilot-hilot ko ang sentido ko umaasang mabawasan ang pananakit no’n. Mas lalo pa yatang tumindi iyon nang maalala ang mga kabaliwang ginawa ko kagabi. Damn…bakit ba ako nagpakalasing. “Here…” Napadilat ako at nabungaran ang nakalahad na palad ni Pisces na may tableta na. Inabot ko iyon at agad inilagay sa bibig ko makaraan ay inisang-inom ko ang tubig na inabot niya. “M-more please…” saad ko