Chapter 25 Our heart knows In order to be free, we need to learn how to let go. Release your hurt. Release the fears. Refuse to have the old pain. “Hey, wala ka ba talagang balak kumain?” Mula sa pagtitig sa monitor ko ay nabaling ang tingin ko kay Marcus na inabutan ako ng sandwich. Doon ko lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura at walang pag-aatubili ko iyong tinanggap. “Ano ba ‘yang binabasa mo at hindi mo maiwanan?” Kumagat muna ako sa sandwich na inabot niya bago ko siya sinagot. “Nire-review ko lang iyong bagong novel na ire-release natin by next week.” Tumango-tango siya at binasa ang acknowledgement ng author. “Too short but too deep…how about the story?” “Impressive…actually, there’s nothing new with the main plot. Niloko ni guy iyong girl…ang walang katapusang pagloloko