Chapter 33 Confrontation HINAPLOS-haplos ko ang buhok ni Aegeus at marahan ko siyang hinalikan sa noo. He’s sleeping soundly so I gently removed his arms in my waist. Napunta ang tingin ko sa tabi niya kung saan mahimbing ding natutulog ang ama niya. Kagabi ay pinagbigyan ko ang kahilingan ni Aegeus na matulog kaming tabi-tabi sa isang kama. I just can’t say no to his request because in the past few weeks, I wasn’t by his side. I was busy and mourning the death of my father. I mentally groaned when I glanced at the clock. It’s one am in the morning. I only slept for like three hours. Kung tulog bang matatawag na nakapikit ako pero gising ang diwa ko. Alam kong walang mangyayari kung ipipilit kong matulog at sasakit lang ang ulo ko kaya maingat ang galaw na iniwan ko silang mag-ama.