Ilang oras din akong naghahanap ng magandang isusuot pero wala pa rin akong napili. Nanghihinang sumampa na lamang ako sa aking kama.
"You haven't gotten dressed yet? Sorry to bug you, but I've been sitting around in the living room, dying of boredom."
Muntik na akong mapasigaw nang marinig ang pamilyar na boses ni Randy dahilan para mapabalikwas ako ng bangon.
"A—Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?!" Gulat kong tanong dito.
"Why don't you close the door?"
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang tila inis sa anyo ni Randy. "Hindi ko napansin, isa pa, busy ako sa pagpili ng damit kong susuotin."
Kinakabahan ako sa awra ni Randy na may halong kilig. Nabisita tuloy nito ang aking kwarto na ngayo'y nagkalat ang ilang mga damit.
"With all those clothes, it's no wonder you're having trouble choosing!"
"Pwede mo ba akong tulungan na makapili ng damit na masusuot ko mamayang gabi?"
Pansin kong hindi pa nakabihis si Randy dahil sa suot nitong white collar shirt at jeans. Deep inside gusto ko ng matunaw sa sobrang hiya. Paano ba naman kasi ay suot ko pa ang aking uniform. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang bibisitahin ako nito sa kwarto ko.
"Sana hindi ka na lamang pumasok sa kwarto ko baka kung ano pang isipin ng mga kasambahay namin," ani ko kay Randy.
"Then, don't close the door." Simpleng sagot ni Randy sa akin.
"Nakakahiya, makalat pa naman ang kwarto ko ngayon. Nalilito kasi ako sa damit na dapat kong suotin sa death anniversary ng Lolo Fernando mo."
"Everything I see looks good on you. I'm the one who's confused! Why do you even need to choose?"
Shít lang, kinikilig ako sa sinasabi ni Randy. "G—Gano'n ba?" Medyo nauutal kong sagot dito.
Mula sa aking kama ay dinampot ni Randy ang simpleng white dress at ibinigay sa akin. "This one suits you."
Siyempre, napamaang ang eabab sa narinig mula sa lalaking mahal na mahal niya.
"Talaga ba?" Nahihiyang sagot ko kay Randy.
"Try it on and see for yourself. Look at your reflection in the mirror."
Nakagat ko ang pangibabang-labi sa sinabi ni Randy. Okay na sana pero iba ang dating ng tono ng boses nito na minsan nakakainis din, pasalamat ito at kinikilig ako.
Ugh!
Kinuha ko ang white dress mula kay Randy. Saka ito lumabas ng aking kwarto sabay sara ng pinto.
Nagmamadaling nilapitan ko ang aking pinto at napasandal doon sabay giggle. Aba, imagine heto pa ang pumili sa dapat kong suotin? Pero ang hindi ko makakalimutan na sinabi ni Randy ay ang sinabi nitong lahat ng mga damit na nagkakalat sa kwarto ko ay nababagay sa akin.
"Lord, parang malulunod na ako sa sobrang saya at kilig." Parang tanga lang na saad ko sa Panginoon. Napayakap ako sa white dress na napili ni Randy para sa akin.
Nagmamadaling nagpalit na ako ng damit at nag-retouch agad. Simple retouch, light lang ang ginawa ko. Naisipan kong naka-ponytail lang ang aking buhok.
Lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba kung nasaan si Randy. Kumunot ang noo ko nang hindi ko ito makita sa living room.
"Senyorita nasa may terasa po si Mr. Collins."
Agad akong naglakad patungo sa terasa at natagpuan ko si Randy na nakamasid sa ilang mga frame kung saan makikita ang ilang art work na gawa ng isang sikat na pintor.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon ni Randy. Napasulyap ito sa aking gawi at tila ba nakakita ito ng diwata nang masilayan nito ang suot kong white dress.
"How do I look?" Kinakabahang tanong ko. Pero nakangiti ako kay Randy, sinisiguradong hindi halata na kinakabahan.
Matagal bago nakasagot si Randy sa tanong ko. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagtitig nito sa akin mula ulo hanggang paa.
"It suits you, I told you already, right?" Seryosong sagot nito sa aking tanong.
"Let's go?"
Tumango lang sa akin si Randy at nagpatiuna na itong naglakad hanggang sa makababa kami sa grand staircase ng mansion patungo kung nasaan ang kotse nito.
"Front seat," ani Randy sa akin.
Naupo agad ako sa may front seat ng kotse ni Randy. Pagdakay binuhay nito ang ignition ng kotse at pinaharurot ito ng takbo patungo sa mansion ng mga Collins.
"Si Irish ba susunduin mo mamaya?" tanong ko rito.
"Yeah," simpleng sagot ni Randy sa tanong ko. Nakaramdam agad ng selos at lumbay ang aking puso nang marinig ang sagot ni Randy.
Naging awkward nang nasa loob na kami ni Randy sa kotse nito. Maririnig ang tanging tunog lamang ng air-conditioning ng kotse.
Makalipas ang ilang minuto ay narating na rin namin ang mansion ng mga Collins. Umibis agad ako mula sa kotse ni Randy na may bigat sa dibdib. Naisip ko na naman kasi si Irish. Ayoko mang maramdaman ang ganitong feeling pero sadyang basta ko na lamang itong naramdaman.
Akala ko ay aalis ulit si Randy pero napansin kong sumunod ito sa akin. Kaya napalingon ako rito. "Akala ko ba susunduin mo si Irish?"
"Of course, in a bit. Let me get dressed first before I pick up Irish."
Tila dinurog ang aking puso sa sagot ni Randy. Siyempre, dapat gwapo ito sa mismong harapan ni Irish. Hindi ko talaga mapigilan ang makaramdam ng inggit at selos sa aking kaibigan. Alam kong masama ang mainggit pero hindi ko lang maiwasan. Hindi ko tuloy naitago ang paghugot ng isang malalim na buntong-hininga.
"Sabagay, dapat lang na gwapo ka sa mga mata niya." Nakangiting ani ko kay Randy.
Hinanap ko agad sina Lola Matilda at Lola Regina. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot ni Randy sa akin masasaktan lang ang aking puso.
"Good evening, senyora Lorielle."
"Good evening, sina Lola Matilda at Lola Regina nasaan?"
"Nauna na po sila sa venue, senyorita. Binilin nga po pala sa akin ni Senyora Matilda na si senyorito Randy na po ang maghahatid sa iyo sa naturang venue."
Awtomatikong kumunot ang aking noo. Really, at ano na namang trip ng mga Lola namin?
"Gano'n ba?"
"Opo, senyorita."
"Sige, salamat."
"Maupo na lang po muna kayo sa salas at ipaghahanda ko kayo ng paborito niyo pong inumin."
"No, thanks." Maagap kong sagot.
"Ikaw po ang bahala, senyorita. May ipag-uutos po ba kayo?"
"Wala."
Magalang na yumuko sa akin ang kasambahay saka ako nito tinalikuran. Wala sa mood na naglakad ako patungo sa salas.