“Daria, anong itsura ko? Ayos lang na ang make-up ko? Ang damit ko? Hindi ba masikip o maluwag tingnan sa akin?” Hinawakan ng kapatid ko ang nanlalamig kong mga palad. “Ate, kahit anong isuot mo ay maganda ka. Ikaw lang naman ang gumagawa ng stress mo kaya tumatanda itsura mo.” Sagot ng kapatid ko. Ilang minuto na lang ay idadaos na ang kasal namin ni Sir Rhuel. Narito kami sa bahay ng kakilala niyang judge na siyang magkakasal sa aming dalawa. Binilhan niya ako ng isang simple ngunit napaka-eleganteng puting dress at isang pares ng puting sapatos. May isang set ng alahas din na kasama. Hikaw, kwintas at bracelet na white gold. May inupahan din si Sir Rhuel para ayusan ako at si Daria na rin nakasuot din ng puting dress. Kasama niya si Matias ng dumating. Magkakilala na pala sina Ma