8

2215 Words
Ang mga malalalim at sunod sunod na buntong hininga naman ang nagpagising saakin, tanaw ko si Dave sa di ka layuan habang sapo sapo nya ang noo nya habang muka syang problemado sa kung ano man ang iniisip nya ngayon, hindi ba ito masaya sa nang yare saamin kagabi at para bang nag sisisi sya sa kung ano man ang naganap Lumingon ito sa direksyon ko at marahang lumapit saakin, hinaplos ang buhok ko at para bang may pumipigil sa gusto nyang sabihin dahil nakatitig ito saakin, ramdam ko na may nais syang gawin ngayon, may mali ba. Sa tingin ni Dave ay mali ang nang yari sa aming dalawa "How's your sleep?" Tanong nya ng marahang, those eyes that makes my heart melt. Parang lahat ng gusto nyang sabihin ay sya mismo ang pumipigil, habang patuloy ang paghaplos sa buhok ko, hindi ko mapigilan ang kiliti sa ginagawa nya saakin ngayon. I want to ease all pain and thoughts that he thinks right now "A-ayos naman ako" mariin akong tumayo, pero ang paglalakad ko ay medyo nanginginig ang tuhod ko tapos ko mag magaling na kaya ko tumayo sa sarili ko kahit na parang jelly ace ang tuhod sa hita ko sa hina nito. Napaka tindi ni Dave. Hindi titigil hanggang sa hindi napapagod, di ko alam kung hanggang saan sya dinala ng tibay at energy nya kagabi. Pero eto ako, hinang hina at hirap makalakad dahil da kagagawan ni dave "Uuwi na ako, kailangan ko nang umuwi" hindi ko na inantay ang sagot nya at diretsyo na nag bihis ng maalala ko na ano at saan ako dapat lumugar, kahit hirap na hirap ako ay pinilit ko na mag bihis, bakit pa ako nag tataka sa reaksyon nya, nakuha nya na ang gusto nya kaya baka iniisip ni Dave na mag demand ako sa kanya o mas higit pa. Iyon nga ang dahilan kung bakit parang hindi sya komportable at balisa ng makita ko nung magising ako kanina Hindi ko mapigilan ang luha ko, bakit parang pakiramdam ko ay may mababago o ang laki ng expectations ko kay Dave tapos ng lahat. Mayaman ito kaya hindi ako dapat umasa na may mas ihihigit pa ito kahit na nasa kanya na ang iniingatan ko sa loob ng mahabang panahon Bakit kailangan ko mahirapan ng ganito? Wala na ba akong ibang gagawin sa buhay ko kundi ang mahirapan at magdusa? Dapat kasi nag ingat ako sa kilos ko una palang, alam ko naman na ako ang lugi sa huli kapag sakali na dumating na ang sitwasyon na ganito, pero hinayaan ko padin. May parte na kasalanan ko talaga Nasaan ang karapatan kong mabuhay ng malaya at masagana? Bakit ang hirap hirap ng kalagayan ko ngayon? Simula sa pamilya ko, tahanan at trabaho. Lahat nalang ay may pag papahirap saakin. Hindi na ako sumaya. Wala ata ako karapatan na lumigaya sa buhay ko "What the heck are you doing!" hiniklat ako ni Dave pabalik sa kanya pero umiwas ako ng tingin, bakit ganito. Ang sakit sakit sa dibdib ko, ang babaw ng luha ko at mukang kawawa ng kawawa ako ngayon. Ano ba iniisip ko kanina at hinayaan ko na umabot ako dito, eto nanaman ako. Hindi nag iisip. Pa bigla bigla sa desisyon ko "Kailangan ko na kasi umuwi Sir, ayoko na mag tagal dito. Baka makaabala pa ako sayo, pasensya kana" para akong pinupunit ng sarili kong salita na binitawan, parang tanggap ko na abala ako sa kanya ngayon, nanginginig ang kamay ko habang bumagsak ang mata ko sa paa ko. Bakit nya ako pag sasayangan ng panahon, babae lang ako sa cabaret. Mababa at mabilis palitan "Sorry, aalis na ako Dave" huling sulyap ko sa mata nito at saka ako tumalikod, lumakad at pabigat ng pabigat ang lakad ko sa bawat hakbang na papalayo ako kay Dave, totoo talaga. Abala ako sa kanya, kasi kung hindi totoo. Sasabihin nya na hindi ako nakakaabala sa kanya. Nabiktima ako, natanga ako at nag padala sa panandaliang init ng katawan. Hindi ko nanaman iniisip ang sarili ko, sa huli palya nanaman ako, hindi nag isip at pabigla bigla sa desisyon ko sa buhay. Ang luha ko ang nag sasabi na nasaktan ako ng sobra Pagkalabas ko ay bumungad saakin ang muka ng babae na may kapit kapit na basket ng prutas at mariin ang titig saakin, tinaasan ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Irap at turo saakin ang natanggap ko, nag dadalawang isip ito kung sasampalin ba ako o ano ang dapat na I react nya "What are you doing there?" Saka naman ako nataranta at binigyang daan ito para makapasok sa condo unit ni Dave "At sino ka" nag uumpisa nang tumaas ang boses nito at nauutal naman na ako, kabadong kabado ako "Ah ano po kase-" Gusto ko nang humagulgol at humingi ng kapatawaran sa kalaspatangan na nagawa namin kagabi, bakit ba kasi ang tanga tanga ko kagabi. Nag palandi ako kay Dave "Are you Rome's girl?" Umiling agad ako at napansin ko ang mga walis at mop sa labas, lumunok ako. Wala naman na akong pag pipiliinpa. Ayoko na mapano ako ipahiya sa harap ng ibang tao, alam ko din na hindi ako ipag lalaban ni Dave, kaya ako nalang ang mag isang mag liligtas sa sarili ko "Housekeeping po ma'am, kakatapos ko lang po maglinis" nahihiya kong saad bago tuluyang binitbit ang mga walis at mop na nasa gilid "Wala po akong uniform ngayon ma'am, bago lang po kasi ako. Pero ako po si Nazi" tumango ito at sandali akong inismiran at iniwasan ng tingin, kay Dave nito tinuon ang buong atensyon nya na para bang wala ako sa harapan nya at di nya ako sinungitan kanina lang Ang sakit sakit ng ginagawa ko, tinatanga ko ang sarili ko. Sabagay, sanay na ako. Kila mama palang ay sanay na sanay na ako aging tanga, sa ibang tao pa kaya kagaya ni Dave "Babe, ang aga mo ata" hindi na ako lumingon, yun ang bungad nung babae kay Dave at tuluyan na akong nag kalakas ng loob na lumakad palayo sa kanila. Ito ang unang pag kakataon na hinayaan ko ang ibang tao na gamitin ako sa kung papaano nila ako pwede gamitin at sana ito na ang huli, hindi ko alam kung kaya ko paba "Ang aga naman ata ng taga linis mo sa condo?" Ramdam ko ang hapdi sa mata ko at ang kirot sa puso ko, ano pang aasahan ko kung puro sakit lang naman ang alam kong meron ako sa buhay ko, hindi na ako binigyan ng pag kakataon na lumigaya. Puro nalang luha, sakit at pag subok ang nadadatnan ko Lumiko ako papunta sa hagdan at iniwan ko doon ang mga panglinis, hindi naman ako umaasa sa tulad nya, mayaman sya. Ako isang hamak na babae sa cabaret lang, walang patutunguhan ang buhay. Ang ganda ng babae na kasama nya, bagay sila at pareho pa na mayaman. Tanging katawan ko lang ang kaya kong ibuhay sa sarili ko, sasayaw ako at tapos non may pera na ako, pero kung naging mayaman kaya ako. Dadanasin ko ba ang ganitong pang yayare? Hindi ko naman inaasahan na irespeto ako ng lalaki, ako ang pumili ng maduming trabaho nito, kung handa ako sa pagsayaw sa madaming tao, handa din dapat ako sa mapanghusga at sa mga tingin nila saakin bilang madumi na babae, wala ako magawa. Hindi ako maka pili sa desisyon na tinatahak ko kasi kung may pag pipilian man ako, may kapalit sa ibang tao. Nakakasawa na ginagamit ka o gagamitin ka Gusto ko lang kumita, para sa akin at sa pamilya ko hindi ko na pwede pang iwasan ito dahil wala na akong ibang trabaho na pwede patusin, masyadong malaki sahod para pakawalan ko pa "Walangya naman tong luha ko aba" reklamo ko habang pinapalis ang mga luha ko. Biglang bumukas ang pinto ng hagdan at niluwa non si dave at naka tshirt at shorts, ayoko bigyan ng pag asa ang nag aala nyang mga tingin. Tama na, ayoko na "Accept this" marahan nyang binaba saakin ang card at nanlaki ang mata ko. Debit card iyon at atm yung isa na nasa lagayan pa at hindi pa bukas para naman ako nainsulto sa ginawa nya "Anong gagawin ko dyan?" Nangunot naman ang noo nya at umupo sa tabi ko "If you need something, use this-" tinampal ko ang kamay nya at tinignan ng masama "Binabayaran mo ako? Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sakin?" Puno ng hinanakit na tanong ko at mariin syang pumikit "Andyan ka naman na-" sinampal ko ito saka tinulak palayo sakin. Galit at sakit ang tangi kong nararamdaman ngayon. Kulang ang sutok at sampal sa kanya. Kulang na kulang kasi para ininsulto nya ako. Babayaran nya ako, ano tingin nya saakin. Napaka baba "Hindi, akala mo kaya ako andito kasi inaantay ko ang bayad mo sakin tapos ng nangyare?!" Tinignan ko sya ng masama at mas nanakit ang dibdib ko "Ang baboy mo mag isip. Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo saaki, ganyan kababa para tapalan ako ng pera matapos mo akong gamitin Rome" may diin na saad ko habang pilit nitong inaabot ang braso ko papalapit sa kanya pero iniwas at binalya ko ito "Mali ka ng iniisip, bakit ako papayag na ibenta ko sarili ko sayo? Pinilit mo lang ako kagabi at wala na ako magawa kase masasaktan lang ako kung lalabanan kita kagabi, sa tingin mo ginusto ko ang lahat ng ginagawa mo saakin? Hindi ko ginusto lahat ng iyon!" Napalunok ako ng bahagya ng maalala ko ang ginawa nya kagabi, alam ko na ang sinungaling ko sa sinabi at binitawan ko na salita, pero ayoko na mag mukang mahina sa harapan nya. Ayoko na mababa na nga ang tingin nya saakin tapos mahina pa ako "Wala ni isa don ang gusto ko dave, at tapos tatapatan mo ng pera ang muka ko kase mahirap ako at walang kakayanan na magtrabaho ng mas marangal? Ganyan kababa ang tingin mo sakin kase napakataas mo?" Nag init naman na ang gilid ng mata ko at nagumpisang manginig ang tinig ko, ang pag pag bagsak ng balikat ko at ang mga mata ko na sunod sunod ang luha at umiwas ako ng tingin kay Dave, hindi ko kaya. Konti nalang bibigay na ang pundasyon ko "Hindi lahat ng babae pera ang gusto dave, at kung pera mo ang iniisip mo na habol ko nagkakamali ka!" puno ng tapang at galit kong saad dito. Totoo naman ang sinabi ko, bakit kailangan nya ako itulad sa ibang babae dyan "No, i just want to help you financially" umiling ako at hinampas ang kamay nya na humaplos sa braso ko. Hinding hindi na ako mag papadala sa mga kilos nyang mapanlinlang "Hindi ako mukang pera. Hanggat kaya kong mag trabaho gagawin ko!" taas noo na saad ko bago ako dumistansya dito. Sumulyap ako ng mabilis sa direksyon ni Dave at ang luha ko ay hindi ko na kayang pigilan pa, sobrang sakit na "Eto, eto na ang huli nating pagkikita!" Sigaw ko at lumakad sa hagdan pababa ng building Eto naman lagi ang kakahinatnan ko sa tuwing pinipili ko ang katangahan ko sa katawan ko, masasaktan at mag sisisi sa huli. Walang bago, paulit ulit nalang ang ikot at dahilan kung bakit ako nasaktan, nakakapagod na hanapin ang tamang kasayahan at atensyon na gusto ko sa isang tao Nauuwi ako sa walang katuturan, sakit at bigat sa dibdib ang lagi kong nakukuha matapos kong gawin kung ano ang nandyan na sa harapan ko, hindi ako matatag. Napaka hina ko. ... Hindi ako mapakali habang kapit kapit ko ang baso ng tubig at inaantay ang boss ko, matapos kong makausap si dave noon ay dumiretsyo ako sa cabaret at kinausap si lord Christ Alam ko malaki ang kita ko dito, pero gusto ko na talagang umalis "Is there a problem Ms. Santimoral?" Bungad saakin ng boss ko na may kapit kapit na sigarilyo, kasama ang kapatid nya na si Barbara, looking at me intensely "Mag rresign na po kase ako" mababang tinig na saad ko at inabot ang resignation letter ko "Why? Is there a problem? May gumago ba sayong costumer?" Maingat na tanong ni barbara saakin at marahan akong umiling "Wala naman po, uuwi na po kasi ako sa probinsya namin at doon mag aaral" para namang tinatantya ni lord christ ang sinasabi ko habang tinititigan ako "I can offer you a more convenient job, hindi katulad nito" tinignan ko sya at nilapag ang letter ko "P-po?" "I own most of convince stores in Laguna, if you want. Pwede kang pumasok doon, so hindi ka mahirapan maghanap since province iyon at bihirang makahanap ng maayos na trabaho" ngumiti ako ng bahagya ako tumango "Sige po tatanggapin ko" malugod na saad ko bago ako niyakap ni lord santana at lord christ ng tumayo ako Ang weird nila, palaging may tulong na naka sunod at offer saakin, pero mabuti nadin yon kahit papaano. Nakakgaan din ng kalooban ko kahit na papaano "Mag iingat ka doon nazi, itatransfer nalang ng accountant ko ang sweldo mo nito" tumango ako at umalis sa opisina nya, ito na ang huli. Kung babalik man ako, hindi ko na alam kung kailan o kakayanin ko ba
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD