9

2522 Words
3 years later "Nazi, magbayad kana ng renta mong babae ka! Napaka walang hiya mo talaga. Pinapatira kita sa bahay ko kahit na kulang kulang ang bayad mo tapos aakitin mo ang anak ko, ikaw pokpok ka!" sigaw ni aling lety na kinakabog ang pinto ng kwarto na pinapaupahan nya saakin. Ito ang alarm clock ko kada araw. At hindi ko din alam papaano ko natiis ang bibig nito sa loob ng tatlong taon Hindi ako sumasagot at nag bihis ako para sa trabaho ko, kakauwi ko palang pero ang bunganga ni aling lety ay talagang mapapapasok ka ng maaga sa bwiset mo sa ingay nya, maayos ako mag bayad sa kanya, hindi ako napalya pero sa di ko nalaman na dahilan ay puro advance p*****t ang gusto nito mangyare hanggang sa ang bayad ko sa renta ay kulang na daw pakiramdam ko ginugulangan na ako nitong matandang ito "Bakit ko lalandiin yang anak mo, napaka panget! Saka alam kong pokpok ako!" sigaw ko bago sinuot ang rubber shoes ko at hinarang lahat ng gamit sa pinto at binuksan ang bintana ng kwarto ko at humanap ng tyempo bago ako bumaba sa upahan ko. Sanay na sanay na akong tawagin na pokpok ng mga tao, wala na akong pakialam kung maniniwala paba sila o hindi, nakakasawa ng ipaliwanag ko ng maraming beses ang side ko. Hindi ko na kailangan na pabanguhin ang imahe ko lalo na kung sirang sira naman na ito noon palang Sanay na ako na ganito ang buhay ko matapos kong iwanan sila mama, at ang kapatid ko. Wala na ako balita sa kanila tapos kong mapunta sa balanga at mamuhay ng tahimik at payapa, bukod sa pinili ko na maging ganito ay natuto na akong makuntento sa kung ano ang kaya ko na ibigay sa sarili ko. Ayoko nang mag hangad pa, nakakasawa na din Gusto ko makalayo sa lahat ng sakit na dinulot saakin, hindi ako tumuloy sa laguna at tangging pera na binigay saakin ni christ ang dala dala ko, nung una ay may pag aalinlangan ako kung tutuloy paba ako sa gusto ko mang yare, pero naalala ko na wala nga pala akong uuwian na bahay at pamilya, kung uuwi din naman ako ay wala din ako mapapala, mag aaway lnag kami ng nanay ko at mas mag kakasamaan pa kami ng loob lalo, kaya mas mabuti na ako nalang ang lalayo para sa ikakabuti ko Gusto ko na walang nakakaalam kung nasaan ako, katahimikan ang gusto ko. Pero kahit anong gawin ko nakasunod saakin yung sakit na dinulot ni Dave saakin, ang bigat bigat hanggang ngayon ay binaon ko sa pag alis ko, hindi ko maipaiwanag kung bakit ako nahulog sa ganon klase na lalaki, wala naman itong pinapakita na kahit anong sign an gusto nya ako pero ito ako, hulog na hulog at nasaktan na ng tuluyan. Tapos nya akong gamitin ay wala na, hindi nya na ako hinanap man lang. Pero sabagay, bakit ako hahanapin ng lalaki na iyon matapos nya na akong makuha ng buo. Tanga ko nalang na umaasa ako sa kanya, hindi ako mahal non. Di hamak na mas marami pang babae dyan na mas maganda at mayaman pa, sino ba ako. Isang hamak na anak mahirap lang Kahit papaano kaya ko naman na tiisin ang luha ko o pigilan. Pero kapag nakakarinig ako ng balita tungkol sa kanya bigla nalang mawawala ang control ko, parang binibiyak ang dibdib ko at iniipit sa sakit. Alam ko naman na matagal na yon pero iyon ang unang pag kakataon ko na maramdaman iyon, para saakin mahirap kalimutan ang tao na nag iwan ng malaking lamat sa pag katao ko, tanggap ko na hindi kami pwede at ginamit ako. Pero ang hirap kalimutan yung bagay na nagpasaya at nag bigay ligaya saakin kahit sa sandaling panahon lang Nakakadismaya lang na umaasa ako noon na hahanapin nya ako, at pupuntahan ako. Pero hindi nang yayari yung bagay na inaasahan ko, mas masaya sya ngayon at mas naging mas maingay ang pangalan nya matapos ipasa sa kanya ang lahat ng kapangyarihan ng pamilya nya, yumaman ito lalo at mas maraming babae na ang mag hahabol sa kanya ngayon, ayoko nang mag isip pa pero para syang multo na paulit ulit nalang dumadalaw saakin kung kailan nakakalimot ako kahit saglit Habang ako ganito padin, waitress sa bar. Naging mas masama ang buhay ko ngayon. Wala pa ako kaibigan at wala man lang naalalay saakin, pinutol ko ang komunikasyon ko sa mga kaibigan ko sa metro Manila. Ayos na ako, kakayanin ko nang mag isa ngayon. Wala ako matatawag na kaibigan, umiiwas ako sa alam kong makakasakit nanaman saakin. Kung bubuksan ko ulit ang pinto ng pag kakaibigan saaking buhay, hindi pa sa ngayon. Marami pa akong dapat matutunan bago tumanggap ng bagong tao sa buhay ko Dumaan ako sa bintana at umalis na, sana matahimik naman ang buhay ko kahit saglit. Kaso ang bunganga ni aling lety. Ang sarap busalan ay tahiin sa sobrang eskandalosa nya. Dumagdag pa yung sakit na pinabaon saakin ni dave, naka kababa ng self esteem, dagdag pa ang nanay ko na galit na galit saakin kahit di ko naman sya ginawan ng masama noon, ayoko nang ikwestiyon si mama kung bakit at saan sya nagagalit saakin, babaguhin ko pero parang sinumpa nya na ang buo ko na pagkatao Humugot ako ng isang stick ng sigarilyo sa box at ligther, habang nag lalakad ako papunta sa pinag ttrabahuhan ko. Nakasanayan ko na ito, natuto ako na manigarilyo simula noong panahon na halos gusto ko nang mamatay, naaaliw ako sa tuwing nakakakita ako ng usok, ang sarap panoorin. Pinag titinginan ako ng mga tao, alam ko na bawal manigarilyo sa public place, pero nasa tago pa akong lugar at wala gaanong tao, nakakapuslit ako, pero wala naman nang huhuli ng ganitong oras Iniisip ko sana na bumalik kila mama, pero hindi ko nadin kaya ang mga ginagawa ni mama saakin, mga salita na sinasabi nya. Siguro kilangan ko nadin bumitaw sa lahar ng pangarap ko sa pamilya ko, kasi wala naman patutunguhan yon kung dadagdagan ko pa ang sakit na nararamdaman ko, imbis na tulungan nya akong matuto sa buhay ko dahil sya nalang ang nag iisang kamag anak ko ay pinalitan at dinagdagan ng sakit at pasakit ang buhay ko Ang natutunan ko sa tatlong taon na lumipas ay ang umiwas sa makakasakit sayo, sa mga alaala na hindi na dapat pang balikan, hindi naman kase masamang tumakbo lalo na kung napaka bigat na ng dalahin mo, o iwanan na ang mga bagay na nag papabigat sa bawat lakad na tinatahak, mahirap oo. Pero papaano makakausad kung papasanin ang mga mabibigat na dalahiin diba Tanaw ko na ang pinag ttrabahuhan ko at ang amo ko ang bumungad saakin, naka ngiti ito "Nazi!" bati saakin ni ma'am elvie habang nakangiti saakin, ako lagi ang maagang napasok kahit na isa ako sa pinaka late umuwi. Ayoko kasi mag stay sa kwarto kapag umaga. Ang ingay ingay, ayoko naman na lumipat ng boarding house, masyadong mahal sa ibang bahay "Diba mamaya pa shift mo?" ngumiti lang ako at binaba ang bag ko tumanaw sandali at nag paka wala ng buntong hininga "Yung land lady ko po kase ang aga maningil, kaya nilayasan ko" tumawa sya saakin at inalok ako ng sigarilyo, kakatapos ko lang pero tinanggap ko nalang ito uit, sayang. Seven pesos din ito. Tinggap ko iyon at sinindihan, para masabayan si ma'am kase eto ang nakakapag pawala raw ng stress nya, kagaya ng paninindigan ko "Sabi ko naman sayo pwede dito, ikaw lang naman ang may ayaw" tumawa ako at inalok din ako ng brandy. Eto ang pinaka gusto ko sa trabaho ko, nakakalibre ako ng alak, nakakalibre sa bisyo. Alam ko na nakakammatay ng maaga, pero ano naman. Buhay ko ito, pinag ttrabahuhan ko ito kaya wala sila pakialam na kwestyunin ang pag gastos ko sa pera. Hanggang di ako nagamit ng illegal drugs, wala sila karapatan na ijudge ako. Alam ko limitasyon ko mula noon Ang daming nag bago saakin, lahat ng bagay na hindi ko ginagawa noon ay nagagawa ko na ngayon "Nakakahiya na ma'am, di naman po ako abusado. Tama na yung tulong lang" nag dadatingan na din yung ibang kasama ko na waitress at yung mga babae na sumasayaw sa private lounge, sandali akong tumayo at pinapanood sila na mag pasukan Bar kase ang bukana ng lugar na ito, pero kapag pumasok sa VIP ay may mga nasayaw doon at may mini hotel din si ma'am elvie "Alam mo, deserve mo kase tulungan" umiling nalang ako. Kung alam lang ni ma'am kung ano ano ang kalokohan na ginagawa ko sa bar nya ay baka alisin nya ako agad agad Naubos ko na ang isang stick at nakadalawang baso ako sa brandy kaya tumayo na ako at nag paalam kay ma'am na mag lilinis na bago mag pre opening ang bar, kailangan ko mag double time para maunahan ko sila sa pag pili ng station. May rotation daw sabi ni ma'am ... "Thank you beautiful" ngumiti ako sa mga costumer na bumbay at inabutan ako ng 100 pesos at umalis na sa table nila. Ang kunat naman non, halos haplusin na ang pwet ko 100 lang, minsan napapaisip ako na ako kaya mag tip sa gago a mga bumbay. Ang kuripot. Ang hirap kaya pag tiisan mga putok nila, kahit ano pabango nila, ang babaho padin "Oh nakasimangot ka?" biro ni ryan habang nilapag ko ang tray sa counter. Mabait naman si ryan, may isang anak pero walang asawa, iniwan daw ng asawa nya noong wala na syang pera, nung una kinuha ang anak nya pero nang nakahanap ng mapapangasawa na kano ay iniwan na sa kanya "Halos hipuan ako 100 lang" inabot nya saakin yung shot ng vodka at ininom ko kaagad at nilapag naman ni jolina yung JD at bucket ng yelo "Sya pumunta ka nalang sa VIP ng maka tip ka ng malaki" kinindatan ko sya at ngumisi ako, halos sumayaw ako papasok dito. Sa lahat ng stations ay doon ang gusto ko. Galante sila, kaso medyo alangan at kapag gusto ka nila itakehome. Iuuwi ka talaga at saka malaki ang bigayan sa VIP at mas malaki pa sa sahod ko sa araw araw kapag sa VIP ako naka assign, talagang sinusulit ko na hanggang kaya ko Ibang iba ang atmosphere sa VIP, puro babae na naka two piece at amoy lubricant ang paligid at higit sa lahat mayayaman ang mga tao sa VIP. Hinahanap ko ang table na sa mga americano at nilapag ang alak nila, ngumisi ako at nag pa cute ng konti para pansinin ang ganda ko, well mas maganda ako sa mga dancer ngayon "Your order sir" mgumiti ako ng pag katamis tamis saka naman sila napatingin saakin at pinapaupo ako sa tabi nila, alam ko na mga bet ng kano lalo na sa babae. At sa araw na ito, friendly ako. Papatulan ko gusto nila, kailngan ko mag bayad ng renta kay aling lety na bungangera "Have a seat beautiful lady" umiling ako at inalok nalang ako ng alak at doon ko tinanggap. Halos nakakalimang shot na ako at ayaw padin ako paalisin, ito na yung sasadyain nila ang pag lalasing saakin "Sir, do you want to taste our best selling cocktail drink?" tumango sila saka ako nag mamadaling lumakad kay jolina para kumuha ng alak at nilagay ang gamot doon at hinantay na matunaw, tignan ko sino ang mukang pinaka mapera ayon ang lalandiin ko, let's see if he can resist my beauty. Hinapit ko lalo ang uniform ko at nilugay ng buhok ko. Ngumisi ako saka pumasok at umupo na sa tabi nung americano at tuwang tuwa naman sya ng maupo na ako doon, ang kamay nito ay pumulupot agad sa bewang ko at para bang binabakuran na ako sa mga kasamahan nya, sa mga kaibigan nito "Hmm, it taste so good" ngumisi ako saka naman ako binigyan ng shot uli, ikaw lalasingin ko loko ka, pero okay na din at mabango sya saka macho. Mukang di ka papatuligin at bawal ang break time kapag sasabak sa digmaan "Do you like it?" tanong ko saka naman gumapang ang kamay sa balikat ko at hinayaan muna iyon, I act like I really like what he do to me kahit na gusto ko nang hampasin ng bote ng Black Label "It tastes like you, delicious" ngumisi ulit ako at nag paalam na mag ccr at sumunod naman saakin yung americano at iyon at nauna ako sa cr at nilock agad, eto na iyon. Mamaya ay may kasunod na ito. Kailangan ko mag antay na umepekto ang gamot Kailangan ko lang mag antay ng limang minuto bago lumabas. Timititigan ko ang repleksyon ng muka ko sa salamin, sobrang dami nag bago saakin. Mula sa piercings ko, at tattoo ko sa kamay na maliliit at sa collar bone ko. Gustong gusto ko ito, kahit na ang sasakit noong nag patattoo ako, hindi ako lasing o ano. I love the pain, I can ease the pain since ginusto ko iyon una palang Sobrang nag bago na ako, napakalayo ko sa Nazi, tatlong taon na nakalipas. Pati kilos ko napaka layo sa kinagisnan ko. Kung buhay ba si papa magiging ganito ba ako, ano kaya ang kakahinatnan ng buhay ko, aabot ba ako sa punto na mag ttrabaho sa cabaret, siguro hindi. Masaya kaming lahat dahil buo kami "Open the door, let me help you" binuksan ko ang pinto at nag panggap na nahihilo "Are you okay?" tanong saakin saka ako umiling at umaktong matutumba ng mapansin ko na nahihilo din sya at namumungay ang mata. Sinandal ako sa pinto at siniil ako ng mapusok na halik "Hmm" daing ko ng maramdaman ko ang kamay nya sa pang upo ko kaya ko sya tinulak ng maraha "Not here, maybe at your car?" ngumisi sya saakin at dumaan kami sa fire exit at habang patagal ng patagal ay inaalalayan ko na sya papunta sa parking lot. Inabot nya nalang saakin yung susi at pinasok sya sa back seat Bago ako pumasok at nilabas ko na yung panyo at nilagay sa ilong nya at nawalan na ng malay. Ngumisi akong muli saka kinuha ang cash nya at iniwan na nakabukas ang makina ng kotse nya, binuksan ko nalang ang zipper nya at binaba ng bahagya para isipin nya na may ginawa ako sa kanya habang tulog sya Nakakahiya ang ginagawa ko, eto ang dahilan bakit tinatawag ako na pokpok kase akala nila nag bebenta na ako ng laman. Hindi nila alam na hinding hindi ko yon gagawin, pero ang ganitong bagay. Kayang kaya ko pa. Walang mamamatay sa halik at pag hipo Sinindihan ko ang stick ng sigarilyo at sumandal sa pader ng bar, sa likod na bahagi. Nag mumuni muni at nag babalak na mag bayad kila aling lety ng matahimik na yung hukluban na yon "I hope you know na pwede kang kasuhan ng pag nanakaw" nagitla ako at napatayo sa kinakatayuan ko Puno ng kaba ang dibdib ko, hindi dahil sa sinabi nya. Kundi sa nag mamay ari ng tinig na iyon Imposible
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD