PH3 #5: Perth

2865 Words
Typo and grammatical error ahead!! # 5_Perth "Ayan." Napatingala pa ako kay Wayde. Ang taong tumulong sa akin kahapon kina papa at ipinagtanggol sa kanila. Kaya naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at hindi na ako masyadong naiilang sa kanya. Sa pagtingala ko ay binawi ko ang tingin ko sa inilapag niya sa lamesa sa may sala kung saan ako nakaupo at nanunuod ng TV. Sabi niya kasi lumabas ako at dito sa sala ako mag stay at hindi sa silid na ibinigay niya sa akin para di ako maboring. Mga libro iyon para sa mga aralin ko noon. "Madami iyan sa library sa taas, sabi ko sayong kumuha ka lang ng babasahin doon kung wala kang ginagawa para hindi ka maboring." Sabi pa niya at naupo sa kabilang upuan sa may kaliwa ko kaya muli akong napatingin sa kanya. "S-salamat." "Yeah! Pero saka mo na iyan basahin. Mamaya pala desperas na ng bagong taon at isasama kita sa bahay ng lolo." "Huh!." "Wala kang kasama dito dahil pinauwi ko nga sina Nay Pau at yaya Gretha. At alam ko naman na hindi ka makakapunta sa inyo. Kaya isasama na lang kita." "N-no! A-ayos lang na mag isa ako dito." "Huwag ka ng tumanggi dahil isasama parin kita kahit ayaw mo. Mahirap na. Baka pagbalik ko wala ka na palang buhay. Di ko pa naman alam kung ano ang takbo ng utak mo." Napayuko ako sa sinabi niya. Oo, inaamin ko na. Desperado na akong wasakan ang buhay ko nitong mga nakaraang araw pero ngayon... "H-hindi ko na gagawin iyon. Tama ka. H-hindi dapat ako papaapekto sa mga sinasabi nila sa akin." Tumitig pa ito sa akin dahil sa naging sagot ko. "Okay! Pero sasama ka parin sa akin." Final na sabi niya na parang hindi na siya tatanggap pa ng sagot mula sa akin. Lihim akong napabuntong hininga at hindi ko ipinahalata. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Total naman, marami na siyang nagawang tulong sa akin at tinanggap niya ako sa bahay niya ng walang pag aalinlangan. Kaya sige... "S-sige. A-anong oras tayo pupunta?" Tanong ko na lamang. "Mga 10 siguro ng gabi." "Okay." "And this is yours." Nanlaki ang mga mata ko ng may inilabas siya na ATM Card at binigay sa akin. "Nakalagay na diyan ang sahod mo sa pagiging interm mo sa kompanya para may sarili kang pera. Dinagdagan ko na rin para kung may kailangan kang bilhin, bumili ka. Ayaw ko ng tatanggihan mo ito. Minsan lang akong magbigay kaya huwag mo sanang maisipang tangihan." Hindi pa man ako nakakasagot ay humawak siya sa kamay ko at ipinahawak niya mismo ang ATM sa akin. "P-pero h-hindi na ako nagtratrabaho pa." "No more buts.. sabi ko sayo. Mag aral ka. Then, you can pay me back pagkatapos mong mag aral. You can work at the company. Nag kakaintindihan ba tayo." Napatango na lang ako ulit. Napatingin na lang ako muli sa kanya ng tumayo siya. "Mag order ka na lang ng kakainin natin. Early dinner para makasabay tayo mamaya kina lolo." Pahabol pa niya bago tuluyang tumalikod. "E-eh. A-anong pagkain?" "Kahit na ako. May nga flyer diyan sa ilalim ng lamesa." Saka naglakad na palayo sa akin. Napasunod na lang ang paningin ko sa kanya ng paakyat na siya sa ikalawang palapag. Sa sala na kinauupuan ko ay makikita dito ang pagpasok niya sa library niya. Saka ko na pinakawalan ang pinipigil kong malalim na paghinga ng wala na siya ng tuluyan sa paningin ko. Para kasing kakaiba ang hangin sa paligid kapag nagsasalita siya. Maalumanay man ang tuno niya sa bawat katagang binibitawan ay mararamdaman mo talaga ang kaseryusuhan sa boses niya. "Thank you." Naibilong ko na lang saka ko binalingan ang ATM na nasa mga kamay ko. Naiisip ko tuloy ang sinabi ng papa sa akin kahapon. Pero hindi mangyayari iyon. Hinding hindi ko sasamantalahin ang kabaitang ipinapakita niya sa akin. Mag babagong buhay ako. Haharapin ko ang buhay ko ng wala sila. Mag aaral ako gaya ng sinabi niya at susubadan ko na lang siya sa pagtulong sa kompanya kapag marami na akong kaalaman. Inilapag ko ang ATM sa lamesa. Saka ko kinuha ang ilang flyer sa ilalim para tumingin ng pwedeng ma order na kakainin namin gaya ng sabi niya. = "K-kailangan ba talaga akong sumama sayo?"muli ay tanong ko ng makapaghanda na kami para sa pagpunta sa bahay ng lolo niya. Sabi niya malapit lamang sa bahay ang pupuntahan namin at nagdadalawang isip parin ako dahil hindi naman niya ako kaano ano pero isasama parin niya ako. Desperas ng bagong taon at lahat ng dadalo doon ay pawang mga kamag anakan lang nila. At mas makakaramdam ako ng pagkailang dahil siya lang naman ang kakilala ko. Knowing that Anderson Clan ay talaga namang kilala na isa sa pinakamayaman sa lahat. "Ilang beses mo ng sinabi at tinanong iyan sa akin. Makulit ka rin pala. Kaya pwede sumama ka na lang." Sagot niya saka nagpatuloy sa paglabas ng bahay kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Naabutan ko na siyang nakasakay sa kotse niya kaya naman sumakay na din ako kaagad. At nabalot kami ng katahimikan habang bagtas namin ang daan patungo sa bahay ng lolo niya. Ilang sandali lang ay tumigil na ang sinasakyan namin. Una na siyang bumaba at katulad kanina ay nag dadalawang isip ako kung bababa ba ako o hihintayin ko na lang siya dito sa loob ng kotse niya. But then.. Kusang bumukas ang pintuan ng kotse niya kaya napatingala ako sa kanya. "Come on." Aya niya. "Pero‐." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hinawakan na niya ako sa pulsuhan at hinila na ako pababa kaya wala na akong nagawa kundi ang tuluyang sumama sa kanya. Pero.. Ako na mismo ang napahawak sa braso niya ng bitawan niya ako dahil ang daming tao na sa paligid lalo na at napatingin sila sa amin. Pakiramdam ko ay minamata na naman ako sa paraan ng mga tingin nila. Mahigpit na napahawak ako sa kanang braso niya at bahagyang nagtago sa likuran niya habang sumusunod ako sa kanya. "Just be yourself." Mahinang sabi niya sa akin. Akala ko nga aalisin niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya pero hinayaan lang niya. "Good evining hijo." Narinig kong pagbati ng tumigil kami. Hindi ko agad nakita iyon ng tumigil kami sa paglalakad dahil nga nakayuko na ako at nakatago sa likod niya. "Good Evening mama." Ang mama pala niya ang sumalubong sa amin. Napahigpit pa ang hawak ko ng kumilos siya kaya napatingala ako para tignan kung ano ang ginawa niya. Ginawaran niya ng halik sa pisngi ito pero hindi nakaligtas ang tinging ipinukol nito sa akin kaya muli akong napayuko. "Who is he?" Tanong na para bang may pagkadis gusto ang tuno ng boses. "Isa ng kasapi sa pamilya ko." "Pamilya?" "Yeah." "Matatawag mo bang pamilya ang mga taong hindi mo naman kadugo." Parang may kung ano sa sinabi nito. "Mas nagbibigay ka pang oras sa mga iyan. At sa mga kasambahay mo kaysa sa amin." "Mama, heto na naman tayo. Lets just enjoy this night." Naringgan ko pa ang malakas na pagpapakawala nito ng malakas na paghinga na para bang pinipigilan ang pag alpas ng kung ano ang kinikimkim sa dibdib. "I just saw Kanye, sige mama. Pupuntahan lang namin siya. Lets go." Baling pa niya sa akin. Hindi pa man nakakasagot ito ay naglakad na siya palayo kaya muli ay napasunod ako. Mas lalong hindi ako nakaimik. Naiisip ko. Ganito ba lagi ang may kaya sa buhay na kung mag usap ay parang mga negosyante lang. Seryuso at parang nasa kalagitnaan lang ng meeting kung makitungo. Siguro nga. "Napaaga ka yata?" Tanong niya ng malapitan namin ang isa namang lalaki. Napasilip ako mula sa likuran niya para kahit papaano ay makita ko ang mukha nito. Pero agad din akong muling nagtago sa likod niya dahil tumingin ito sa akin. "Yeah! Wala naman din akong magawa kaya mas maganda na ang nandito para naman makapag kulitan kahit papaano." "Yeah! Your right. Nasaan si Ace?" "Nasa labas sila ni Elijah." "Ganun ba? Mapuntahan nga ng makilala ko ang asawa niya." Sabi niya at binalingan ako. "Dito ka na muna sa pinsan ko." Bilin pa niya na nakapagpalaki ng mata ko ng wala sa oras. Umiling ako at mas humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya. Iiwan niya ako sa taong hindi ko kakilala? It's a big NO! But then... "Ikaw na muna ang bahala sa kanya." At saka na niya inalis ang pagkakahawak ko. Gusto ko pa sanang magsalita at sabihing isama na lang niya ako pero wala na akong naapuhap na salita ng tumalikod na siya agad at mabilis na tinalunton ang isa pang pintuan maliban sa pintuang pinasukan namin kanina. Nakayuko na na lang akong muli. Mas nailang ako ngayong wala na siya sa paligid at naiwan ako sa pinsan ba niya ito o ano? "I'm Kanye, and you are?" Narinig kong sabi nito na nakapagpatingala sa akin. "Huh!." Napatingin pa ako sa palad na niya na inilahad niya. May ngiti ito sa labi. "Huwag kang mag alala. Hindi ako gaya ng pinsan ko na walang pakialam sa kasama." Sabi nito na halata yatang nangingilag ako. "And don't worry, hindi ako humuhusga ng tao batayan sa kung ano sila." Napalunok ako. Parang may alam yata ito tungkol sa akin dahil sa sinabi niyang iyon. "Again, Kanye, and you?" Pang uulit niya pero binawi na ang kamay na nakalahad kanina sa harapan mo. "P-perth." Sagot ko na lang. Nanginginig ang kamay ko na magkaugpong na at pinipigilan ang pagnginig ko. Sana hindi na lang tagala ako sumama sa kanya kanina kung ganito naman na iiwan lang niya ako. "Okay! Nice to meet you Perth. Ilang taon ka na pala?" Muli ay tanong na naman nito. "Eh!. N-nineteen." Mahina na muli kong sagot. Nakayuko lang ako. "Bata ka pa nga. Come on! Hintayin mo na lang ang pinsan ko dito." Sabay pinaghila niya ako. ng upuan na nasa malapit lang namin. Tumalima na lang agad at naupo dahil parang pati ang tuhod ko ay bibigay na dahil sa kabang nararamdaman ko ngayong wala siya na kaisa isang kakilala ko. Naupo na din siya sa katabing upuan ko. "Just relax. Walang magkakamaling mangbully sayo dito kung iyan ang inaalala mo." Narinig ko pang sabi niya pero nanatili na lang akong nakaupo. Hindi ako kumilos para kumuha ng nakakain kapag aalukin niya ako. Hihintayin ko na lang si Wayde na makabalik. "Kumain ka na?" Tanong mula sa likuran ko ng ilang pang minuto ang lumipas at may mga dumantay sa balikat ko. Napatingala ako mula sa pagkakayuko ko habang nakaupo. Ewan ko pero kusang kumilos ang katawan ko, tumayo ako at muling bumalik sa likod niya na parang doon lang ang alam kong komportable ang pakiramdam ko. "Masyadong mahiyain ang alaga mo."sabi ni Kanye ng tumayo na din. "Kanina ko pa inaalok na kumain pero hindi niya ako iniimik." "Yeah! Masasanay din siya." "Sige, mauna na ako. Sasalubong lang din ako sa ilang mga bisita ng lolo." Paalam naman nito hanggang sa tuluyan ng umalis at dalawa na lang kaming naiwan sa kinauupuan namin kanina. "Bakit di ka pa kumain. Mamaya niyan magsisimula na ang countdown." Sabi niya sa akin. "Maupo ka na lang ulit at kumain ka na. Wala tayong handa sa bahay kaya dito ka na lang magpakabusog." Dagdag pa niya. Tumango na lang ako bilang sagot. Kukuha na sana ako ng makakain ko ng siya na mismo ang naglagay sa plato ng pagkain sa harapan ko. "Ayan kumain ka ng marami para mabilis bumalik ang katawan mo sa dati." "S-salamat." Napapayuko na lang ako dahil ayaw ko na lagi siyang tinitignan. Baka kasi kung ano ang isipin niya. "Ang pagkain mo ng marami ay sapat na para sa pasasalamat mo. Kaya kain na." "S-sige." Kumain na nga lang ako gaya ng gusto niya. Wala man na kaming naging imikan o maraming napag usapan ay hindi na iyon mahalaga. Basta komportable na ako kahit wala akong kakilala sa ibang mga tao sa paligid namin. Kahit papaano hindi ko naramdaman ang pagkailang ngayon dahil nasa tabi ko siya at ipinaparamdam na walang kaso kung ano ako? Kung sino ako? At kahit na sampid lamang ako ngayon dito. Dahil parang isa na nga akong pamilya para sa kanya. Nagmamasid masid na lamang ako habang nakaupo parin. At sa tuwing may kakausap sa kanya ay yuyuko ako sa tuwing titingin sa akin ang kausap niya. Nakakailang naman talaga lalo na at buong angkan nila ang nandito ngayon pero ipinaparamdam niya talaga sa akin na hindi na ako iba sa kanila. "Lets go." Ilang sandali pay nagyayana siya ng ilang minuto na lang ang natitira ay bagong taon na. Agad naman akong tumalima. Pero bago pa man kami makalabas ay may sumalubong sa amin na matanda. "Good evening lolo." Bati niya dito. Kung ganun ito ang lolo niya. May pagkakahawig siya dito. "Good evening din apo. Kung hindi pa ako ang lalapit sayo wala kang balak magpakita sa akin." Nahimigan ko ang may pagtatampo nito. "Ayaw ko lang ng makaistorbo sayo habang kausap ka ng iba nating kamag anak lolo." "Rason mo. Sadyang ayaw mo lang akong makausap." "Ayan na naman kayo lolo. Saka na tayo mag usap. Ilang minuto na lang bagong taon na." "Bata ka, ano lang ba ang paglaanan mo ako ng oras para kausapin ako. At teka.." sabay baling ng tingin sa akin kaya gaya kanina ay napahawak ako sa braso niya at muling nagtago sa likod niya. "And who is this young boy, apo?" "Isa sa mga sinusuportahan ko ngayon lolo." "Sinusuportahan?" "Yeah! Mahabang eksplinasyon lolo. Alamin mo na lang sa sarili mo." Seryusong sagot niya dito. "Yeah!" "Tama naman ako diba, lolo. Wala ka namang hindi malalaman kahit itago ko pa o namin ang isang bagay sayo." "Oo naman apo. Pero hindi ko naman pakikialaman ang mga plano mo. Kahit pa na sabihin nating alam ko ang bawat galaw niyo ng mga pinsan mo." "I know lolo." Saka niya hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at inalis iyon at hinila paalis din sa likof niya. "Ipakilala mo ang sarili mo. Huwag kang mag alala. Mabait ang lolo." "Huh!." "Okay lang hijo. Huwag kang mag alala. Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon kaya ka mailap sa mga tao, malalagpasan mo din iyan." Napatungo na lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. "Tawagin mo na lang akong lolo, gaya ng tawag sa akin nitong si Wayde. Ano ba ang pangalan mo?" Napatitig ako saglit dito. Nakikita ko nga sa mukha nito ang kabaitan. Kaya naman kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaunting kapanatagan gaya ng kapanatagang nararamdaman ko kay Wayde. "P-perth po." "Welcome to tge family, apo. Hala, sige. Hindi na ko na patatagalin ang pag uusap natin. Saka na lang tayo ulit magkwentuhan kung may mga lebre kayong oras. Halina nga kayo sa labas." Sabay lakad na patungo sa labasan kung saan daw nila inilagay ang mga sisindihang mga fireworks. "Lets go." Narinig kong aya niya ulit at naunan na ding maglakad pasunod sa lolo niya kaya naman agad din akong sumunod sa kanya. Magkaagapay na lumabas. Ng isang minuto na lang ang natitira ay magkakatabi sila. Tumabi siya sa pinsan niya kanina na kakikilala ko lang at sa kabilang bahagi ay may tatlo pa doong lalaki. Ang isa ay kahawig na kahawig niya na may kasamang isang lalaki na nakahawak sa baywang nito. Napalunok ako. Bigla akong nakaramdam ng inggit sa nakita ko dahil halata na couple ang dalawa lalo na ng makita ko kung paano titigan at ngitian ng kamukha niya ang katabi. Na makikita sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't isa. "Are you okay?" Mahinang tanong niya sa akin kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. "Y-yeah." "He is my cousin, Ace. And the one in his side, ay asawa niya." "A-asawa?" Nagulat talaga ako. Totoo pala na may nag aasawa na parehong lalaki? Kung ganun ba... No! Saka ko na iisipin ang mga ganun bagay. Ang mahalaga ngayon ay ang makapagtapos ako ng pag aaral ko at mapagsilbihan ko siya at makatulong sa kanya sa magandang tulong niya sa akin. "Yes. Mag asawa na sila." Napatango na lang ako at muling sumulyap sa dalawa. Masaya nga sila. Well.. I envy them. Never mind. Muli ko na lang itinuon ang paningin ko sa mga fireworks na handa ng sindihan. Hanggang sa tuluyan ng nagsimula ang countdown ng... 10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 HAPPY NEW YEAR. Sigaw ng lahat kasabay ng paglipad at pagputok ng mga nag gagandahang ilaw sa kalangitan. Maingay pero may kaakibat na ganda ng iba't ibang kulay na naglipana na sa himpapawid. "Happy new year." Sabi niya sa akin sa may kalakasan na tinig. "Happy new year." At sa kauna unahang pagkakataon ay nagawa kong ngumiti. Kahit na hindi ko kasama ang mga magulang ko ngayon ay nakaramdam ako ng saya. Dahil sa nakilala ko siya. ***** Itutuloy.. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD