Typo and gramatical error ahead!!
# 4_Wayde
"Salamat nay Pau." Pasasalamat ko dito pero di ko na inangat ang paningin ko sa mula sa binabasa ko ng dalhan ako ng tsaa sa library ko ng hapong iyon.
"Wala ka na bang kailangan hijo?"
"Wala na Nay Pau. Pwede na po kayong umuwi ngayon kung gusto niyo. Sabihan niyo na din si yaya Gretha para makapag handa na kayo sa pag uwi niyo sa inyo." Sabi ko na lang. Napaangat na din ang mukha ko para tignan ito. 29 na kasi ng December at magbabagong taon na. Kahit na kababalik lang nito galing day off ay binibigyan ko sila ng maraming oras na makasama ang mga mahal nila sa buhay kapag ganitong mga buwan at araw na.
"Maraming salamat Hijo. Okay lang ba na maiwan kayo dito ni Perth na dalawa. Baka mahirapan ka sa pag aalalaga sa batang iyon. Kahit pa man na nakausap mo na siya ng maayos ay parati parin siyang nagkukulong sa silid niya."
"Ako na ang bahala sa batang iyon Nay Pau. Huwag niyo na siyang alalahanin."
"Sige hijo, ikaw ang bahala. Salamat ulit sa iras na ibinibigay mo sa amin para makasama ang mga pamilya namin."
"Wala iyong anuman nay Pau." Saka ko kinuha ang dalawang pulang sobre sa drawer ko at inabot iyon dito. "Para sa inyo ni yaya Gretha. Sana po sapat na iyan para sa bonus niyo ngayong taon."
"Sobra pa nga lagi ang ibinibigay mo sa amin hijo. At muli salamat saiyo." Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito sa akin para makapaghanda sa pag uwi nila. Bumalik na lang ito para muling magpaalam na aalis na sila ni Yaya Gretha.
Muli ko na lang ibinuhos ang oras ko sa mga ginagawa ko at hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga oras.
Saka na lang ako tumayo ng makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura ko. At doon ko naalala na may iba pala akong kasama ng bahay.
"Damn!" Napamura na lang ako at isinuklay ang daliri ko sa buhok ko. Okay lang na hindi ako kumain sa talamang oras o malipasan ako ng gutom. But now... I need to check that kid if what is he doing right now.
Naiiling na lang ako na tinungo ang silid nito. Kumatok ng tatlong beses pero walang sumagot.
"Hey! Open the door." Kuway sabi ko ng wala parin akong narinig na kung ano mula sa loob kaya naman napilitan akong buksan na lang iyon ng sarili ko.
Sa kabutihang palad hindi iyon nakalock kaya nakapasok ako agad. Agad na namataan ko siyang nakamukmok sa headboard ng kanyang kama. Nakayakap siya sa mga hita niya at halatang galing na naman sa pag iyak.
Naiiling na hindi ko alam kung ano pa ba ang gagawin ko sa batang ito dahil mag aapat na araw ng nandito siya sa bahay pero hindi parin siya tumitigil sa mga ganitong eksena.
Kailan ba siya nakakalimot?
"What are you doing? Why are you crying again?" Tanong ko ng tuluyan akong makalapit at nakatayo na sa gilid ng kama nito.
Tumingala siya sa akin pero agad ding binawi ang tingin at muling ibinaon ang mukha sa tuhod.
"Ano na naman ba ang problema mo? Hindi ka ba nagsasawa sa ganyang ayos mo?" Naasar na tanong ko pero sa mahinahon paring tinig. Kung hindi ko lang mapigilan ang sarili ko ay hinila ko na siya patayo at taasan na siya ng boses.
Isa na naman bunting hininga ang pinakawalan ko. Para na kasi akong may anak neto dahil sa kanya. Dahil isa na siya sa mga inaalala ko.
Bakit ko ba kasi siya kinuha pa dito sa bahay?
Damn it again!
"Come on! Kumain na tayo. Bago umalis sina Nay Pau kanina ay nagluto sila ng pang tanghalian natin." Kuway aya ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at nanatiling nakayakap sa mga hita, nakabaon ang mukha sa mga tuhod. "May problema ka na naman ba?" But then, he didn't answer. "Tell me your problem." Pilit na pinakakalma ang boses ko kahit gusto ko na talagang sigawan siya.
Umupo pa ako sa gilid ng kama niya para ipakita na hindi siya nag iisa.
"Come on, sinabi ko na sayo na ako na ang bago mong pamilya. Kaya ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo, tingin ko naman wala akong hindi nareresolba sa mga problemang dumarating."
Ilang sandali pa ay umangat na ang ulo niya at tumingin sa akin. Hindi man siya deretsong tumingin sa mga mata ko ay kahit papaano ay nag angat na siya ng mukha.
What a cute little fox?
"Say it."
Napasimangot siya ng bahagya. At nag aalalangan yatang sabihin sa akin kung ano man ang nasa isip niya o dinadamdam niya.
"Halika na, kumain muna tayo, tapos pag usapan natin ang problema mo habang kumakain tayo." Saka ko sinabayan ng tayo at nilahadan siya ng kamay.
Napatingin naman siya ngayon sa kamay ko kaya naman binawi ko na lang iyon.
"Tumayo ka na diyan." Muli ay sabi ko. At hindi ako umalis hanggat hindi nga siya tumatayo sa pagkakaupo sa gitna ng kama niya.
Ilang sandali pa ay kumilos na nga siya at bumaba ng kama. Nakatungong tumayo malapit na lang sa akin.
"Lets go." Nauna na akong maglakad palabas, sumunod naman siya sa akin.
Hanggang sa narating na nga namin ang hapag kainan.
"Sa kusina na tayo kakainin totol tayong dalawa lang. Halika na, tulungan mo na lang ako na ipainit ang kakainin nating dalawa." Sabi ko sa kanya at muli ay tinungo namin ang kusina.
May maliit na lamesa doon na kung saan kumakain sina Yaya Gretha at Nay Pau. Minsan naman kasabay ko sila kumain pero nadadalas na hindi naman sila nakakasabay sa akin dahil late na ako kumakain gaya ngayon. Mauuna na lang sila kumain gaya ng bilin ko na huwag na nila akong hintayin.
Hindi man siya nagsalita ay kumilos naman siya at binuksan ang mga nasa ibabaw ng kalan at tinignan ang mga iyon bago binuhay ang apoy para painitin.
Ako naman ay kumuha na ng pinggan at naglapag sa maliit na lamesa. Ilang sandali pa ay nakapagsandok na kami ng mga pagkain na pagsasaluhan naming dalawa.
Well, hindi na masama. Kahit man hindi ito palaimik ay nakikisama naman kahit papaano. At mas maganda nga iyon para hindi marindi ang tainga ko.
This is the first time na may kasama ako na hindi ko man lang kaano ano. Madalas lang na mag isa din ako. Bihira makisalamuha sa iba. Kahit sina mama at papa ay halos hindi ko na nakikita sa dami ng mga trabaho ko.
But now..
Bahagya ko siyang pinagmasdan. Ang bata ng mukha nito kumpara sa edad niyang 19 na.
"What your problem?" Kuway tanong ko ng medyo nagtagal na kami sa pagkain.
Nag angat naman siya ng mukha at bahagyang tumigil sa pag nguya bago muling yumuko.
"Come on! Makikinig ako."
Napansin ko naman ngayon ang pagpapakawala niya ng buntong hininga at inilapag ang kutsarang hawak bago muling tumingin sa akin.
Malungkot na naman ang mga mata niya at may luha na naman yatang namumuo doon.
"M-may sakit ang mama ko."mahina na sabi niya.
"Ganun ba? Ano ba gusto mong mangyari?" Tanong ko muli bago sumubo ng pagkain.
"G-gusto kong puntahan sila sa bahay, p-pero.."
"Okay." Bitin ko sa sasabihin niya. "Ihahatid kita sa inyo. Then, I will wait outside in your house in case na may masamang mangyari." Kuway sabi ko sa kanya na nahalatang nagulat pa sa sinabi ko. "So cheer up, huwag mong sarilinin ang problema. I told you, ituring mong kami ang bago mong pamilya. Sina Nay Pau man iyan o si Yaya Gretha. They won't harm you." Dagdag ko pa at muling itinuon ang pansin ko sa pagkain.
Hindi na siya umimik pero nagpatuloy naman siya sa pagkain.
Namayani na ang katahimikan sa pagitan namin at tanging mga tunog na lang ng mga kalansing ng kutsara at tinidor na didikit sa plato.
"S-salamat." Ilang sandali pa ay nagsalita na siya ng maibaba niya ang kutsara at tinidor na hawak niya ng matapos na siyang kumain.
"Huwag kang magpapasalamat sa akin sa ganyan mong ayos, fix your self. Ang magandang pasasalamat na gusto kong matanggap mula sayo ay ang ayusin mo ang sarili mo." Sagot ko sa kanya na sinabayan na din ng tayo at aayusin na ang pinagkainan namin.
"Maraming salamat parin." Sabay tayo din siya at yumuko pa talaga. "Maraming salamat." Ulit niya sa mas malakas ng tinig bago tumuwid ng tayo.
"Okay, whatever you say. Just fix your self." Sabi ko na lang at ipinagpatuloy ang pagliligpit.
"A-ako na mag aayos ng pinagkainan natin, sir."
Napatingin ako sa kanya sabay iling.
"Just call me by my name. You are a part of my family now."
"Pero.."
"Just say it.. no more buts..." inilagay sa lababo ang mga nailigpit ko na. Sumabay na din naman siya at inayos ang pinagkainan namin. "After you finish here, fix your self. At ihahatid kita sa inyo. Tawagan mo na lang ako kapag nakapaghanda ka na. Nasa library lamang ako."
"Yes, s-sir....Wayde."
Naiiling na tumalikod na ako at iniwan na nga siya.
Nagtuloy na muna ako sa silid ko para makaligo bago ako muling pumasok sa library at gagawa pa ng kung ano ang kaya ko pang tapusin sa mga trabaho ko habang naghihintay sa kanya.
Naabala ko na naman ang sarili ko sa mga paper works ko at hindi na namalayan ang paglipas ng oras.
Kunot nuo kung tinignan ang orasan. Dalawang oras na ang lumipas. Hindi pa ba siya naghahanda para puntahan ang mga magulang niya?
Muli ay hindi na natapos tapos ang pag iling ko. Napapatampal ng nuo na tumayo sa kinauupuan ko mula pa kanina.
"Ano pa ba ang ginagawa ko kiddo?" Naibubulong ko na lang bago nagpasyang puntahan na lang ito at ako na ang mag yayaya para lumabas.
Pero pagbukas ko ng pintuan ay siya ang nabungaran ko. Naiwan sa ere ang kamay niya na halatang kakatok na sana.
Patitig siya sa akin pero agad ding nagbawi ng tingin at muling napayuko.
"Kanina pa ako naghihintay na tawagin mo ako." Saad ko na halatang ikinagulat niya dahil bahagya kong nataasan ang tuno ng boses ko.
"H-hindi ko k-kasi alam baka busy ka."
"I said just knock the door when you are ready."
"S-sorry."
"Nevermind. Lets go." Bumalik ako sa loob ng library at kinuha ang susi ng kotse ko. Nauna ng naglakad palabas ng bahay at gaya ng dati ay nakabuntot lang siya sa akin hanggang sa marating namin ang garahe. "At saan mo balak sumakay?" Tanong ko pa ng akma niyang bubuksan ang pintuan sa backseat.
Hindi pa man siya nakakasagot ay binuksan ko na ang harapan.
"Sakay na." Sabay turo sa kung saan siya uupo.
Alanganin man siguro ay kumilos naman siya para sumakay at walang imik na agad na naglagay ng seatbelt.
Tahimik lang ang naging biyahe namin papunta sa kanya. Ng hindi ko na kaya ang katahimikan at nagpasya akong buksan ang sterio at nakinig na lang ng kung ano ang mga balita sa radio.
Ilang minuto lang naman ang biniyahe namin dahil hindi naman kalayuan. Hanggang sa tuluyan na naming marating ang bahay nila.
Isa ding subdibisyon iyon pero hindi gata ng subdibisyon ng AP iyon kalawak. At maliliit lang ang mga bahay kumpara sa mga bahay na nakatayo doon sa AP.
"P-paano mo nalaman na-.?
"Ngayon ka pa ba magtatanong?" Putol ko sa sasabihin niya. "Go! Check your mother. I will wait you here until you done."
"S-salamat." Muli ay pasasalamat niya bago siya kumilos para bumaba. Sinundan na lang ng tingin ko ang palayong imahe niya papasok ng bahay nila.
Hindi na niya kinailangang kumatok sa kanila dahil kusa na niya iyong binuksan. Hindi naman kalayuan ang pintuan sa bahay nila kung saan ako pumarada.
Nagrelax na lang ako habang naghihintay. Ipinahiga ang sandalan ng upuan ko saka ako pumikit. Pinatay ang sterio para hindi na maingay.
Ilang sandali pa ang lumipas ng bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa loob ng bahay nila kaya naging marahas ang paglingon ko doon.
"Wala kaming anak na kagaya mo! Lumayas ka." Muli ay malakas na sigaw na narinig ko.
Kunot nuo akong umayos ng upo at hindi na nagdalawang isip na bumaba ng kotse ko at sinundan siya sa loob.
"Papa please." Nakaluhod ito ng maabutan ko at nagmamakaawa habang umiiyak na naman. Tatangkain na hahawakan ang kamay ng kanyang papa pero umiwas lang ito.
Pero bago pa man dumapo ang kamay ng papa niya sa kanya para sampalin ay mabilis na akong lumapit at pahilang itinayo siya at itinago sa likod ko.
"At sino kang pakialamero?" Mataas ang boses at halatang galit na galit ito. Tinapunan ako ng matalim na tingin.
"S-sir." Mahina na halos walang boses na lumabas sa bibig niya, humihikbi at mahigpit na humawak sa kanang braso ko na parang nagpapahiwatig na huwag na akong makialam.
"Ako ang bago niyang guardian." Seryusong sagot sa ama niya na naging dahilan para mas maging masama ang tinging ipinukol sa akin at pati sa kanya.
"Haha!." Tumawa ito ng pagak at nang uuyom na may ngisi sa labi. "Guardian? O isang sugar daddy?"
Sa narinig ko ay parang uminit ang tainga ko. Awtomatikong tumaas ang kamay ko para sana bigyan ng suntok ito ng pigilan ako niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Umiling ito habang patuloy na lumuluha.
"Ngayon ko masasabi na wala nga kayong ka kwenra kwentang mga magulang." Mas naging seryuso ang tinig ko at nakipagsukatan ako dito ng tingin habang inaalis ko ang kamay niya na pumigil sa kamay ko.
"At sino ka para sabihin iyan sa akin?"
"Huwag mong tanungin kung sino ako Mr. Fransico baka mabigla ka kung malaman mo kung sino ang kaharap mo ngayon. Sinamahan ko dito ang anak niyo para bisitahin ang asawa niyo na may sakit dahil nag aalala siya sa kanyang ina kahit na ganito ang trato niyo sa kanya. Nag aalala siya at kayo parin ang inaalala niya sa kabila ng pagtakwil niyo sa kanya. Pero ganito parin ang ipapakita niyo sa kanya? Walang kwentang mga magulang."
"Aba't-."
"Subukan mong idapo ang kamay mo sa akin ng magkaalaman tayo." Banta ko dito habang nakatingin sa kamay nitong nakakuyom at naibitin sa ere ng magsalita ako. "Wala akong intensyong makialam sa problema ng pamilya niyo pero sa ngayon, nasa pangangala ko ang anak niyo na itinakwil niyo kaya obligasyon ko siyang proteksyunan sa mga kagaya niyo na makikitid ang mga utak." Lahit na gustong gusto ko na ding lakasan ang boses ko para iparamdam dito ang galit ko sa pag uugaling mayroon ito ay nagpigil ako.
"Lets go!." Kuway baling ko sa kanya na walang kaimik imik na. "And one more thing Mr. Fransisco. This will be the last na makakarinig ako ng mga walang kwentang salita mula sa inyo patungkol sa anak niyo. Dahil hindi ako mangingiming pabagsakin kayo sa isang kisap mata ko lang." Dagdag banta ko dito.
Hindi ko na ito hinintay na makasagot pa at hinila ko na siya palabas ng bahay nila.
Walang salitang namutawi sa mga bibig niya ng pasakayin ko siya at hindi na nagreklamo. Parang isang batang soro na walang kalaban laban. Na kahit na nasasaktan na ay hindi pa kayang ipaglaban ang sarili.
"Palipasin mo ang panahon at huwag ka na munang magtatangkang magpakita sa kanila." Sabi ko ng nasa kalagitnaan na kami ng daan pauwi ng bahay. "Ipagpatuloy mo ang mabuhay ng wala sila. At saka ka na bumalik sa kanila kung may maipagmamalaki ka na. Ipakita mo na kahit ganyan ka, ay may mararating ka."
Narinig ko ang paghikbi niya at mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag angat ng ulo niya at lumingon sa akin.
"I said you the other day, ako na ang bago mong pamilya. Kaya huwag mong iisipin na nag iisa ka."
Napansin ko ang pagtango niya pero hindi nagsalita. Pinahiran ang mga luha gamit ang likuran ng mga palad niya.
Muli ay nailing ako at itunuon ko na lang ang paningin ko sa kalsada at hindi na umimik pa.
Pero sa isip ko...
He is so vulnerable now that he need a special care, support, or protection. At isa na iyon sa mga gagawin ko sa ngayon habang nasa pangangalaga ko siya hanggang sa tuluyan na niyang kayang labanan ang kalungkutan dahil sa mga nangyari sa kanya.
*****
Itutuloy...
*****