Chapter 01

1404 Words
“AKIN na sabi, eh,” mariing wika ni Samarrah na pilit na inaagaw kay Zebianna ang manikang hawak niya. “A-akin ‘to, Samarrah. Bakit mo ba inaagaw?” naiiyak na niyang wika. Regalo iyon sa kaniya ng ina nito at pinagkakaingatan niya. “Hindi bagay sa iyo na maglaro ng ganito, Zebianna. ‘Wag ka ngang assuming. Give this to me!” Isa pang hila ni Sammarah sa manikang hawak niya nang tuluyan iyong dumulas sa kaniyang kamay. Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat nang mapaatras pa si Samarrah sa isang vase na naka-display. Huli na para mapigilan pa ang vase mula sa pagkakalaglag sa sahig. Umalingawngaw ang nabasag na tunog sa buong paligid. Shock siya sa nakita. Ganoon din si Sammarah na hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan nito. “W-what have you done, Zebianna?” nanlalaki ang mga matang wika ni Samarrah na napatingin sa kaniya. “I-ikaw ang nakabasag niyan, Samarrah.” “What’s happening here?!” Napalunok si Zebianna nang marinig ang nakakatakot na boses na iyon ni Ma’am Shantal. Naningkit pa ang mga mata niyon nang makita ang basag na vase sa sahig. Naniningkit ang mga mata na binalingan siya nito. “Ano’ng ginawa mo na namang bata ka?” gigil nitong wika sa kaniya. Agad namang yumakap sa baywang ni Shantal ang pamangkin nitong si Samarrah. “Tita Shantal, nabasag po ni Zebianna ‘yong vase ni Lola Anna,” paawang sumbong ni Samarrah sa Tita Shantal nito na nang tingnan siya ay tinaasan pa siya ng kilay at pinanglakihan ng mga mata. “You!” naniningkit pa rin ang mga mata ni Shantal nang mahigpit na hawakan ang payat niyang braso. “M-masakit po, Ma’am Shantal,” naluluha niyang bulalas. “Nakakagigil ka talaga. Ngayon naman ay binasag mo pa ang vase ni Mama? How could you?!” “H-hindi po ako,” umiiyak na niyang bulalas. “Tita, kitang-kita ko po,” ani Samarrah. “Tumatakbo po kasi siya, eh, habang naglalaro ng kaniyang barbie doll.” “Samarrah, h-hindi naman ganoon ang nangyari, eh. Sabihin mo ang totoo.” “Shut up!” putol ni Shantal sa sasabihin pa niya. “Kailangan mo talagang turuan ng leksiyon. Wala naman ang nanay mo kaya wala kang magagawa ngayon. Subukan mo lang din na magsumbong at palalayasin ko kayong mag-ina dito sa bahay!” Kinaladkad siya nito papunta sa may kusina. Wala itong pakialam kung masaktan man siya. Si Samarrah naman ay napapalunok pa na sumunod sa kanila sa kusina. Wala ang Nanay Agatha niya dahil kasama ng mag-asawang Samarro, ang mga magulang ni Ma’am Shantal. Kumuha ng asin si Shantal at isinaboy sa sahig. “Lumuhod ka,” utos nito na nagpaluhang lalo kay Zebianna. “Bilisan mo kung ayaw mong puwersahin pa kita. Kulang pa ‘yan sa kabayaran para sa nabasag mong vase. Kung hindi ka pa magtinong bata ka ay hindi ko na lang talaga alam sa iyo. Bilisan mo,” gigil nitong utos sa kaniya. Tigmak sa luha ang mga mata na walang nagawa si Zebianna kung hindi ang lumuhod sa nakasaboy na asin sa sahig. Mariin siyang napapikit dahil sa masakit na pagluhod sa asin. “Itaas mo ang dalawa mong kamay. At ‘wag na ‘wag mong ibaba. Itaas mo sabi,” anito na hinawakan ang dalawa niyang kamay at ito na mismo ang nagtaas niyon sa ere. Wala naman talaga siyang kasalanan. Pero hindi siya pinaniniwalaan ni Ma’am Shantal. Sabagay, kailan nga ba ito naniwala sa kaniya? Palagi na lang mainit ang dugo nito sa kaniya na pinagtitiisan niya dahil sa takot na baka mawalan ng trabaho ang nanay niya. At isa pa, ito rin ang nagpapaaral sa kaniya sa elementarya. Baka hindi na siya nito pag-aralin kapag nagsumbong siya. “Isang oras ka riyan. ‘Wag na ‘wag kang tatayo. Maliwanag ba? Sagot!” “O-opo,” humihikbi niyang tugon. “‘Wag kang umiyak. Gagawa-gawa ka ng kalokohan, kaya panindigan mo,” iyon lang at iniwan na siya nito sa kusina. “Poor, Zebianna. Lumuhod na naman sa asin,” maarting wika ni Samarrah na ipinakita pa sa kaniya ang kaniyang manika. Binuksan nito ang trash bin at tila ba nang-iinis pa na ipinakita sa kaniya nang itapon nito iyon sa basurahan. Ngumiti pa ng nakakaloko sa kaniya si Samarrah bago ito umalis ng kusina. Nakagat niya ang ibabang-labi para pigilan ang hikbing impit na kumakawala sa kaniyang bibig. Hindi naman siya ang may kasalanan pero heto at siya ang umaako ng parusa na hindi naman para sa kaniya. “M-mommy, ako na po ang kukuha ng tubig ninyo,” naulanigan ni Zebianna na tila ba tarantang wika ni Samarrah makaraan ang ilang sandali. Mommy? Ibig sabihin ay dumating ang Mommy Tami ni Samarrah. “Ako na, Samarrah,” ani Tami. Humayon ang namamaga ng mga mata ni Zebianna dahil sa pag-iyak nang bumukas ang pinto sa kusina. Natigilan si Tami nang makita ang hitsura niya. Si Samarrah naman ay walang nagawa para mapigilan ang ina nito na pumasok sa kusina. Lalo na nang makita na siya niyon. “Z-Zebianna?” anito na mabilis na lumapit sa kaniya at inalalayan siya sa pagtayo. Ito pa ang nag-alis ng mga asin sa tuhod niya. “What happened?” buong awa siya nitong pinagmasdan. Ibinaba rin nito ang kamay niyang nakataas pa rin. Halos bumagsak ang tuhod niya nang subukan niyang humakbang. Ngunit mabilis namang nakaalalay sa kaniya si Ma’am Tami. “Ano’ng nangyari? Bakit nakaluhod ka sa asin?” pinalis pa ni Tami ang luha sa pisngi ni Zebianna na lihim na ikinagalit ni Samarrah. “May kasalanan siya mommy,” agap ni Samarrah. “At ano naman ‘yon?” “Nakabasag siya ng vase. Vase ni mama,” anang boses ni Shantal na kapapasok lang din sa kusina. “Ate,” ani Tami na mabilis na tumayo mula sa pagkakaluhod. Hawak pa rin nito sa kamay si Zebianna “Bata pa ‘to. At hindi tama na paluhurin mo sa asin. Ni hindi natin ‘to naranasan kina mama at papa kapag may nagagawa tayong mali. Hindi ba puwedeng, pagsabihan mo na lang? Nakakaunawa naman itong bata, eh.” “Tami, enough. Don’t act like an angel here. Kung susunduin mo na si Samarrah, go. At gusto ko ring ipaalala sa iyo na hindi ka na nakatira dito para mangialam pa.” Tumiim naman ang mga labi ni Tami. “Hindi pa rin patas ang ginawa mo.” Nagyuko ito kay Zebianna. “Pumunta ka na sa kuwarto ninyo at magpalit ng damit. Hmmm?” Atubili siyang tumango. Bago niya lisanin ang kusina ay lumapit pa siya sa basurahan. Kahit paano ay nakabawi na ng lakas ang mga tuhod niya para makahakbang. Binuksan niya iyon at kinuha roon ang kaniyang manika na itinapon doon ni Samarrah. “Bakit nasa basurahan ‘yan?” tanong pa ni Tami kay Zebianna. Sinulyapan niya si Samarrah na bahagya siyang pinanlakihan ng mga mata. Tila takot itong maisumbong sa mama nito. “Nahulog po dito kanina,” aniya na hindi magawang salubungin ang tingin ni Tami. Bago siya makarating sa may back door ay mabilis na kumuha ng tubig si Tami sa ref para ipainom sa kaniya. “Drink this first,” anito sa kaniya. “Salamat po,” aniya matapos uminom ng tubig. Naiiyak na naman siya dahil sa sinapit niya. Mahapdi ang mga tuhod niya dahil sa asin na niluhuran kanina. Halos bumaon iyon sa kaniyang balat. Masakit din ang mga braso niya na matagal ding nakataas kanina. Nagpapasalamat siya dahil dumating si Ma’am Tami na ni minsan ay hindi nagtaray sa kaniya simula nang tumuntong sila ng kaniyang ina sa lugar na iyon. Wala siyang matandaan na pinagtarayan siya nito katulad ng madalas na gawin sa kaniya ng kapatid nito na si Shantal. “Mommy, let’s go,” iritable ng pag-aaya ni Samarrah sa ina. Hinaplos pa ni Tami ang buhok niya bago siya nito tinalikuran. Napilitan lang siyang kumilos nang makita niya ang matalim na tingin sa kaniya ni Ma’am Shantal. Nagmamadaling hinayon niya ang silid nila ng kaniyang ina. Ini-lock pa niya ang pinto sa takot na baka sumunod doon si Ma’am Shantal at pagalitan siya. Magkaedad lang sila ni Samarrah. Parehas sila nitong nine years old. Parehas din sila nito ng kaarawan na ikinaiirita nito. Ni hindi rin siya nito kinalaro kahit minsan. Kahit na mabuti naman ang pakikitungo niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD