Chapter 05

1104 Words
“IKAW LANG yata ang hindi masaya na nagtapos sa High School.” Binalingan ni Zebianna si Alice na siyang kaklase niya sa pinapasukang Catholic School for girls. Kasama rin niya sa dorm na tinutuluyan. Nginitian niya ang kaibigan. “Masaya naman ako.” Pinisil ni Alice ang pisngi ni Zebianna na ikinangiwit niya. “Masakit ‘yon, ha?” reklamo niya na hinimas pa ang pisngi. Pabagsak na naupo si Alice sa gilid ng kama ni Zebianna. “Bakit kasi ang lungkot ng mukha mo? Hindi ka ba excited na umuwi sa inyo? Aba, apat na taon ka ng nabubulok dito sa loob ng dormitory,” biro pa nito sa kaniya. Palibhasa, tuwing summer vacation ay ni hindi siya nakakauwi sa Pagbilao City para magbakasyon. Apat na taon niyang hindi nasilayan ang ina. O kahit ang marinig ang boses nito sa telepono. Apat na taon siyang nagtiis na walang pamilya sa lugar na iyon. Nang magtapos din siya sa High School kahapon, wala siyang kasamang magulang na umakyat sa stage para tumanggap ng kaniyang mga award. Valedictorian siya sa kanilang school. Ang dami rin niyang medal na naipon. Pero hindi niya magawang maging masaya sa kaniyang achievement dahil hindi niya maramdaman kahit ang katiting na presensiya ng kaniyang ina. Hindi niya alam kung naaalala pa ba siya nito o kinalimutan na rin? “Hindi ko alam, Alice, kung may susundo sa akin mamaya,” malungkot niyang wika. Mamaya lang ay mag-aalisan na ang mga estudyante sa dormitory. Susunduin na ng kani-kaniyang mga magulang. Lalo na ang mga fourth year student, dala na ng mga iyon ang mga gamit dahil sa college ay sa ibang university na papasok. Hanggang high school lang kasi ang hawak ng pinapasukan nilang Catholic School for girls. Ang Saint Mary. “Zebianna, think positive. May susundo sa iyo. Alam mo? Mami-miss kita. Sana magkita pa tayo. Kaso ang layo ng sa amin. Sa Ilocos pa. ‘Di ba, sa Quezon Province pa ‘yong sa inyo?” Tumango siya. “Malay mo naman isang araw ay magkasalubong tayo sa daan. Tapos hindi mo na ako papansinin,” natatawa pa niyang wika na ikinatawa rin ni Alice. “Puwede ko ba namang hindi mapansin ‘yang kagadahan mo na pinanis mo ng apat na taon dito sa loob ng dormitory? Pustahan, kapag nakita ka ng mga boys sa labas, siguradong pagkakaguluhan ka.” Natawang lalo si Zebianna sa sinabing iyon ni Alice. “Imposible ‘yan.” “Humarap ka kasi sa salamin, Zebianna. Curious tuloy ako kung bakit ayaw mong titingin sa salamin? Wala namang problema sa mukha mo.” Nagbaba siya ng tingin. Isa sa iniiwasan nga niya ay ang mapatapat sa salamin. O kung makakita man siya ng salamin ay siya na ang umiiwas. Dahil kay Shantal Samarro, para bang natakot siyang humarap sa salamin dahil sa pagkamunghi nito sa kaniyang mukha. Pakiramdam tuloy niya ay may problema sa mukha niya. Kahit na palaging sinasabi ni Alice na walang problema sa mukha niya. “Siguro, nadala ko lang hanggang ngayon na hindi palatingin sa salamin, Alice,” dahilan na lamang niya. “Ganoon?” anito na tumayo at lumapit sa tokador nito. Nang bumalik ito sa tabi niya ay may dala na ito na maliit na salamin na bigla na lamang nitong itinapat sa mukha niya. At bago pa makita ni Zebianna ang sarili ay mabilis na siyang pumikit. Napapalatak tuloy si Alice sa kaniyang ginawa. Ibinaba na nito ang hawak na salamin. “Paano kapag nakita ka ng crush mo?” Saka lang nagawang magmulat ng mga mata ni Zebianna. Crush niya? Napangiti na naman siya. “Siguradong hindi na ako tanda ng crush ko, Alice. Binata na ‘yon ngayon. Siguradong may nobya na ‘yon.” “Malay mo naman, wala pa.” Nagkibit siya ng balikat. “Wala naman akong balita sa kaniya.” Napalitan ng malungkot na ngiti ang labi ni Zebianna. Huminga siya nang malalim. Sigurado siya na limot na rin siya ni Azriel. Napakatagal na niyang wala sa mansiyon ng mga ito. Sixteen na siya ngayong taon na ito at si Azriel ay nineteen na. Tiyak niya na napakarami ng nagbago. Napabuntong-hininga siya kapagkuwan. Ni minsan, hindi siya nakalimot. Lalo na sa mga taong nagpakita ng kabutihan sa kaniya. “I wish you all the best in life, Zebianna. Matalino ka. Kaya looking forward ako na maging successful ka rin sa new journey mo. Lalo na kapag graduate ka na rin sa college.” “Sa iyo rin, Alice. Sigurado ako na magiging successful ka rin,” aniya na niyakap pa ang kaibigan na tiyak na mami-miss niya rin. Sa apat na taon na pamamalagi niya roon ay nakatagpo siya ng hindi lang basta kaibigan sa katauhan ni Alice. Para din niya itong kapatid. Ngunit nasundo na ang lahat ng hapong iyon sa dorm, maliban kay Zebianna na nananatili sa kaniyang gamit na silid. Nakaalis na rin si Alice nang sunduin ito ng mga magulang nito. Nag-iyakan pa sila nang magpaalaman sa isa’t isa. Sorbang mami-miss niya ang kaibigan. Tumayo sa may tabi ng bintana si Zebianna at tumanaw sa malayo. Ilang sandali na rin siya na naroon nang katukin siya ng isang madre sa silid niya. “I’m sorry, Zebianna. Wala kang sundo ngayon.” “Bakit po?” “Tumawag kanina ang guardian mo. Dito ka raw muna hanggang sa matapos ang bakasyon. Hindi ka puwedeng umalis dito.” Parang pinigang lalo ang puso niya dahil sa narinig. Sabik na siyang makita ang kaniyang ina pero ayaw pa rin siyang pauwiin ni Shantal na siyang tumatayong guardian niya. “Puwede po bang makausap ang guardian ko?” pakiusap niya. Umiling ito. “Mahigpit na ipinagbabawal ni Miss Samarro na tumawag kami sa kaniya. Siya lang ang puwedeng tumawag dito. Pasensiya na, Zebianna.” Parang lalong piniga ang puso niya. “Sister Belle, please po, gusto ko na pong makausap ang nanay ko.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Kung puwede lang, Zebianna, bakit hindi? Pero sa kaso na ‘yan, wala akong magagawa. I’m sorry. Ako ang mapapagalitan kapag ipinilit natin ang nais mo.” Nang maiwang mag-isa sa kaniyang silid ay sunod-sunod na nagsipatakan ang luha sa kaniyang mga mata. Kung ayaw siyang pauwiin sa Valle Encantado Village, hihilingin niya sa kaniyang ina na umuwi na lang sila sa probinsiya nito. Pero paano pa niya iyon masasabi kung hindi siya puwedeng tumawag sa kaniyang ina para makausap ito? Worst, magtitiis ng dalawang buwan si Zebianna sa dormitory dahil ayaw siyang pauwiin. Nakatapos na siya sa High School pero pinapahirapan pa rin ni Shantal ang kaniyang kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD