PIGIL-PIGIL ni Zebianna ang pag-awang ng kaniyang mga labi dahil sa huling tanong ni Azriel. Paano kung mali lang siya ng intindi? Baka mapahiya pa siya. Pero hindi, eh. Malinaw niya iyong narinig mula sa binata. Shock man ay sinikap niyang kalmahin ang kaniyang nagwawalang puso. “Opo,” aniya na tumango pa nang balingan ito. Gustong matawa ni Zebianna nang si Azriel naman ang matigilan dahil sa sagot niya. “Hindi ka ho nila mahihirapang gustuhin.” Ngumiti pa siya. Sana lang ay effective ang reaksiyon niyang iyon na animo hindi naunawaan ang tanong nito kani-kanina kaya taliwas ang kaniyang sagot mula sa tanong nito. “Nila?” kumunot tuloy ang noo ni Azriel. Muli ay tumango si Zebianna. “B-bakit po? May mali ho ba sa sagot ko?” kunway tanong pa niya. “Never mind,” ani Azriel na nagbawi