CHAPTER 67 "Ganitong kahirap ba talaga ang palaging itinatanong dito Tito Boy?" Ngumiti ako. Ibiniba ko ang hawak kong mikropono. Yumuko at tumingin sa mga fans na may mga hawak na mga banners. Mga kabataang babae at lalaki ang may hawak na banner ng mga pangalan namin at hindi ko alam kung paanong nagkaroon din ng Zeke at Rose. Napailing ako. "Puwede ko ho bang ipaliwanag ang sagot ko Tito Boy?" "Nasa sa'yo Rose kung paano mo sasagutin ang ating final question." Nakangiti si Tito Boy. Halatang excited sa isasagot ko. Alam kong naiintindihan niya ako kung bakit ako pinagpapawisan sa huli niyang tanong. "Si Paolo at Zeke po ay kapwa nagmarka sa aking buhay. Kung pinagtatambal ho ninyo kami sa trabaho, ang pipiliin ko po ay si Paolo. Si Zeke naman ay bahagi ng aking nakaraan. Nakaraan Tit
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books