Chapter 26 Sumama ako sa mga pulis. Hindi na ako nagtangkang tumakas. Hindi na rin ako nagsalita. Pagod na akong magtago, pagod nang tumakas. Bumaba kami sa bus na nakatingin lahat sa akin na parang isang kriminal. Dumami ang nakiusyosong mga tao habang naglalakad kami papunta sa police mobile car. Pinagtitinginan ako ng aming mga nadaanang mga pasahero. Nagbubulungan ang lahat ng aming nilagpasan. May mga mukhang nagulat. May mga mukhang natakot. Para akong isang nahatulan nang kriminal sa kanilang mga mata. Napapikit ako. Napayuko. Lumuluha. Alam kong hindi isang simpleng problema ang aking kinakaharap. Parang nakikita ko na sina Nanang at Tatang pati na ang aking mga kapatid kong nalugmok ng husto kapag malaman nila ito. Ako ang inaasahan nilang lahat para makaahon na kami sa hirap at