CHAPTER 16 “Anong sinasabi mong nagyayari?” balik-tanong ko sa kanyang kinakabahan. Hindi ko na alam kung paano ako lulusot. “Ipinasundo kita sa suite mo pero ibang Kai ang dumating. Kai Samonte rin naman ngunit yung Kai Samonte na artista iyon at hindi ikaw. Tinatawagan kita, tine-text pero hindi ka sumasagot. Tell me, anong mali? Anong kasalanan ko? Bakit ibang Kai Samonte ang nagpakita?” “Lumipat ako ng ibang hotel,” pagsisinungaling kong muli. “Talaga? Bakit hindi ka nagsabi? Bakit ba parang pakiramdam ko tinatapos mo na ang connection natin nang kahit wala pa man?” “Maraming dahilan. Mahabang kuwento.” “Okey. I can cancel all my appointments today para marinig ang mahaba mong kuwento. Can we seat and talk about it?” “Hindi ako pwede. May mga appointment akong kailangan kong pu