KABANATA 2

1866 Words
Paika-ika akong nag lakad papasok sa school namin. Hindi naman namaga ng husto yung hita ko pero masakit parin ito, lalo na pag nagagalaw. Patungo na ako sa aming classroom nang may biglang humila sa braso ko, napangiwi ako sa sakit. Yung pag i-ingat ko kaninang hindi gaanong magalaw at maunat ang hita ko ay nagawa ko dahil sa biglaan at lakas ng pagkakahila sa akin. Napangiwi ako nang kumirot ng bahagya ang kabilang hita ko. Ang sakit! Pagtingin ko sa babaeng hawak-hawak ang braso ko ay isang nakakalokong ngisi ang iginawad niya sa akin. Namutla ako bigla nang makilala siya. Isa siya sa mga alipores ni Maggy. I swallowed hard while looking on the way kung saan kani nagbabaktas. Pagtitripan na naman yata ako ng mga 'to. Sinilip ko ang hita. At ang paika-ika kong paglalakad. Nanlumo ako. Madadagdagan pa yata 'tong mga pasa ko ngayon. Gusto ko tuloy maiyak dahil gustong-gusto ko nang pumasok sa klase pero heto na naman ako't parang mapapauwi na naman ng maaga. Hinila ako ng babae patungo sa likurang bahagi ng school kung saan walang gaanong tao. Dun nakita ko si Maggy na buryong nakaupo sa isang upuan. Pero nang makita niya ako'y sumilay ang galit sa mga mata nito. Ngayon palang ay parang gusto ko nalang umuwi. Parang alam ko na kung ano ang kahihinatnan ko sa mga ito. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila pero hindi ko alam kung bakit palagi nalang nila akong pinagt-tripan. Is it a bad thing to be an introvert person, shy and kind now? Sa pagkakaalam ko'y naging mabuti naman akong tao towards everyone here. Padabog na tumayo si Maggy sa kanyang inuupuan tila hindi nagustuhan na makita ang pagmumukha ko samantalang todo ngisi naman ang mga kasama nito sa kanyang likuran nang makita na ako. "Anong ginagawa ng babaeng loser na yan dito?!" Turo nito sa akin "Diba sabi ko naman na sa inyo na umiinit ang dugo ko pagnakikita ko tong lampang to?!" Dumagundong ang malaking bosses ni Maggy sa paligid. Mahinang tumawa ang mga kaibigan nito. Hinaplos ng isa niyang kaibigan ang braso nito upang kumalma. "Oh chill lang Mags, for sure you will like our gift for you!" Tili at excited na sabi ng isa sa mga kaibigan niya. May ilang dumating na babae sa aming likuran. May daladalang supot na hindi ko alam kung ano ang laman. Habang ang isa naman ay may dalang mga itlog. Lumapit ang babae isa-isa sa mga kaibigan niya at lahat sila ay kumuha ng tig-dadalawang piraso ng itlog, maliban nalang kay Maggy na nakatayo lamang sa harapan ko't pilit na pinapaupo ng kanyang kaibigan. Buryo naman siyang umupo at pinagkrus ang mga kamay sa harapan ng kanyang dibdib. Hinanda ko na ang sarili ko kasi alam ko na kung anong susunod na mangyayari at yun nga naramdaman ko ang pag agos ng malagkit na likido mula sa ulohan ko. Napayuko ako para hindi ito tuluyang umagos sa mukha ko. Wala akong magawa. Ayokong lumaban sa kanila kasi kung lalaban ako mas pag-iinitan nila ako lalo. At kung magsusumbong naman ako ay useless pa rin, Maggy's mother is the principal at susuyo lang itong wag nang ipatawag ang ibang parents dahil nakakahiya daw sa part niya. Wala akong magawa. Life is so unfair! Minsan natatanong ko sa sarili ko if God really do exist? I thought he helps people who are in pain and suffering but why aren't he doing anything for me? Hanggang sa paaralan nagiging kawawa ako, ako madalas-- mali, parati ang nakikita at napagtitripan ng grupo ni Maggy and there's no one to save me, cause I have no one. Even my brother ay kinasusuklaman ako. Napahawak ako sa likod ng ulo ko ng ihagis ng isang kasamahan nila nang malakas ang itlog dito kung kaya't nabasag ito. Napuno ng tawanan ang paligid samantalang namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Wag kang umiyak Greekah! Wag kang umiyak! ani ko sa sarili. Pero hindi na nakayanan ng mga mata kong pigilan ang pag-agos ng mga luha ko kung kaya't napahikbi na ako. Pagkatapos ng itlog session ay napapikit na lang ako ng paliguan ako ng babae kanina na may daladalang supot ng harina. Harina pala ang laman nun. Napapikit ako nang tuluyan dahil rito. Hindi ko naman alam na gagawin nila akong living pancake. Hinintay ko ang pagbuhos ng isang syrup, but instead of syrup mas malala pa yung ibinuhos nila sa akin. Pinaliguan nila ako ng bagoong. Alam kong bagoong iyon dahil sa amoy nitong malansa. Kaya't mas napahikbi ako lalo. I thought their goal is to make a human pancake nagkamali ako, experiment pala ginagawa nila. Pancake de Bagoong. Mas lumakas ang tawanan sa paligid at napalitan ng pagkanta nito ng "Happy birthday Maggy, Happy birthday Maggy, Happy birthday hapoy birthday happy birthday Maggy!" kanta ng mga alipores niya. "Nagustuhan mo ba ang gift namin for you Mags? We made this all for you! Happy birthday!" masiglang bati ng isang babae, base sa bosses nito ay siya yung humila sa akin kanina. "No.... I don't like it" "Huh? Why? Hindi mo ba nagu--" "cause I love it, thank you so much girls" putol ni Maggy rito. Nilapitan ng mga ito si Maggy para e-greet at yakapin. Pinunasan ko ang aking mga mata gamit ang laylayan ng aking palda kung saan hindi natalsikan ng itlog or something. Baka gusto niyo kong isali sa group hug niyo? Napatingin ako sa kanila, and they are so happy that they did'nt know that someone's been hurt because of them. Tumayo ako at tumalikod na sa kanila, habang tumutulo parin ang mga luha sa mga mata ko. Ang dungis-dungis ko na at ang baho ko na sobra. "Greekah! Ang loser mo talaga!" pahabol na sabi ni Maggy pero hindi ko na siya nilingon at tumungo na sa Gym kung san for sure walang tao at malaya akong makakaligo. Naglalakad ako sa corridor patungo sa classroom namin at kada estudyanteng nadadaanan ko ay napapalingon at napapatingin sa akin ng masama. Hindi kasi ako nakaligo dahil walang tubig, kaya ilang oras akong napaiyak kanina sa Gym buti nalang talaga at may dala akong P.E. Kung kaya'y natulongan ako nitong hindi magmukhang basang bibe na makikita sa balotan. Matagal akong nagstay sa Gym hanggang sa naisipan ko nang magbihis at pumasok nalang sa first class ng afternoon. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi ko magawa dahil masyadong strikto ang guard sa school namin at napapadalas na rin yung paguwi ko. Nakakahiya naman dun sa isang guard na mabait. Baka masisante pa siya ng dahil lang sa akin. Ang lagkit-lagkit ng katawan ko at feeling ko may kung ano sa ulo ko dahil ang bigat ng pakiramdam ko rito, tho I have wipped everything on my head kanina gamit ang uniform ko pero hindi parin nawala ang maalinsangang baho na combination ng itlog at bagoong. Pagpasok ko sa room namin ay patagong natawa sila Maggy dahil sa itsura ko samantalang ang katabi ko naman ay inilayo sa akin ang upuan niya. "Ang baho, peste" I heard her said. Napayuko lamang ako sa aking lamesa kung san ang dami-daming nakasulat. May Greekah the Looser, b***h die!, Ugly Greekah, at Stupid! Noon pag napapatingin ako sa lamesa ko ay napapaiyak ako pero ngayon ay hindi na, na immune na yata ako eh. Tinatak ko nalang sa isipan ko na signatures lang 'to ng mga kaklase ko na Greekah fan mo kasi sila! Kumirot ang puso ko, pero hindi ako iiyak. Natapos ko naman ang afternoon classes ko ng matiwasay yun nga lang ang baho ko kung kaya't napapalayo ang mga nakakatabi ko. Pumunta muna ako sa locker ko para ilagay yung mga libro ko. Kailangan kong magmadali na para makaligo at makapagbihis. Binuksan ko ang locker ko at napahinto nang may nakita akong maliit na box with a card. Kinuha ko iyun at tiningnan. "Kanino kaya to?" I asked myself Tinignan ko ang card at may nakasulat na Greekah del Franco. This is my name! Wala naman siguro akong admirer eh no? Hindi ko nalang muna ito tinignan at nilagay sa loob ng bag ko. Baka makita pa ito nila Maggy at kunin sa akin. Minsan pa naman lang ako makatanggap ng regalo. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Kuya na nasa sala at nangungunot ang noong nilingon ako mula sa pinapanuod niya telenobela. Naamoy niya ata ang baho ko. I vowed my head and walk towards the staircase. Kahit naman magsumbong ako sa kanya ay wala parin itong gagawin, mas posible pang pagtawanan niya ako kaysa sa maawa siya sa akin. Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko at dali-daling nilock ang pintuan nun. Nilagay ko ang bag sa higaan at patakbong pumunta sa banyo at nagtagal doon ng ilang oras, para tuluyang mawala ang malansang amoy na hatid ng itlog at bagoong. Nakahiga ako ngayon sa higaan ko at prenting nakatanaw sa dingding ng aking silid, kung san may mga nakadikit na glow in the dark na mga stars. I remember Mom and Dad put all of those nung 7 years old ako. Gift nila for my birthday. Hays, I badly miss my Mom. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang isang butil ng luha mula sa aking mga mata kaya mabilis ko itong pinunasan. Napatingin ako sa paanan ko at nakita roon ang bag ko. Dali-dali akong napaupo sa aking pagkakahiga ng maalala ko yung box kanina. Kinuha ko ito at binasa ang printed words doon. Sa labas nun ay may nakalagay na "For: Greekah del Franco" written in a calligraphy style. Binuksan ko ang square card at binasa ang laman nito "This is your charm wand, please handle it with care". Hala! Ano 'to?! Kinuha ko ang aking phone at hindi ako nagkakamali ito yung tinutukoy na charm wand sa message. Excited kong binuksan ang rectangular box pero mas namangha ako kesa sa inaakala ko. I thought ang matatanggap ko ay wand as in wand katulad ng kay Harry Potter pero hindi pala. Isang silver necklace ang laman ng box. Ang ganda nito lalo na ang pendant nito na may kulay pula na bato sa gitna. Napa-wow ako ako nang makita ito sa malapitan isang hugis mata na relo pala ito, cool. Tumayo ako sa harapan ng salamin at isinuot ito. "Ang ganda, bagay na bagay siya sa akin." I said while watching on my reflection. It suits my pale skin. Minutes later ay nabigla ako nang biglang nalang nag iba ang kulay ng hanggang bewang kong buhok. The plain black color of it turned into an ash gray color. At yung mga mata kong kulay itim ay tila may ahidna ng kulay pula. Napaatras ako sa salamin. I gasped. "Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili. Hinawakan ko ang aking buhok. I run my fingers on some strands of my hair. Pano? Paano naging kulay abo ito? Tinignan ko ulit ang repleksyon sa salamin. Kulay itim na ang aking mga mata. Lumapit ulit ako pero laking gulat ko nang makitang mahahalata lamang ang pagkakapula nito sa malapitan. Lumayo ulit ako at nakitang unti-unti itong naging kulay itim. Napatingin ako sa kwintas na suot-suot ko. Tatanggalin ko na sana ito pero hindi ko na matanggal! Nawala ang lock nito at tila naging plain lahat ng parts. I can't unlock it! I tried to cut it pero hindi kinaya ng plier. Manipis lamang ang katawan ng kwintas pero hindi ito nadadala sa plier! WTF! What is this? What's happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD