"M-Master T-Tres," nauutal sa sambit ng babaeng nagngangalang Danica. Nakita ko rin sa mukha nito ang takot mula nang makita si Senyorito Blake. "Sino ang nagbigay sa 'yo ng karapatan na pumasok sa silid na ito?!" tanong ng lalaki at nasa mukha ang matinding galit sa babae. "Gusto ko lang naman makilala ang babaeng magbibigay sa atin ng anak," malungkot na sabi ng babae. "Stkk! Hindi ako gagamit ng ibang tao. Ikaw lang naman ang may gusto niyan. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo Danica. Hindi ko na rin kasalanan kung tuluyan tayong maghiwalay. Huwag mong idamay si Rosana sa kabaliwan mo. Dahil labas siya sa atin!" galit na sabi ni Blake. "Master Tres! P-Paano naman ako? Alam mong mahal kita," muling sabi ng babae. "Hindi kita mahal. Kaya huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa akin. Ikaw