Pagdating sa presinto ay agad kaming ikinulong ni Susan. Ngunit hindi kami isinama sa ibang mga preso. Tanging kami lang ni Susan ang nasa iisang selda. Malaking pasasalamat namin iyon. Medyo nakakatakot kasi ang mga babaeng nakakulong dito. Para mga sanggo kung kumilos. "Rosana, ano na kaya ang mangyayari sa atin? Makakalaya pa kaya tayo?" kabadong tanong sa akin ng aking kaibigan. "Hindi naman siguro tayo pababayaan ni senyorito Blake. Kasi siya naman ang may kagagawan kung bakit tayo nandito sa kulungan," sagot ko kay Susan. "Sana nga. Saka malaking pasasalamat din natin kasi hindi tayo isinama sa ibang mga preso. Patay tayo kung sakaling doon tayo mapunta, mukha pa naman mga siga ang mga babaeng nakakulong dito," mahabang pahayag ni Susan. Hindi na lang ako nagsalita. Labis kong s