Sa aking kwarto ako unang pumunta. Sa totoo lang ay labis na nagpuputok ang damdamin ko, dahil sa mga naganap sa akin habang kasama ko ang aking amo. Napahiga na lang ako sabay tingin sa kisame. Kailan ba aalis ang lalaki iyon dito? Sobra na kasi nitong ginugulo ang buhay ko. Parang hindi na makatarungan. Bigla naman akong napahawak sa hairclip na ibinigay nito sa akin. Kinuha ko iyon mula sa aking buhok upang tingnan. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi ito ordinaryong hairclip lang at mukhang mamahalin ito, ah. Kaya naman muli ko itong ibinalik sa aking buhok. Mas maganda siguro kung ngayon na lang akong lumabas para maghanap ng trabaho. Maliksi naman akong bumangon at agad na nagpalit ng damit. Sana lang ay makahanap ako ka agad. Upang hindi ko na makita ang aking amo. Maingat din