"Oh! Rosana, bakit ganyan ang pagmumukha mo? Para kang natalo sa sabungan, ah?" tanong sa akin ni inay nang makasalubong ako habang pababa ng hagdan. Marahas muna akong napabuntonghininga bago magsabi kay inay ng balak ko. "Inay, gusto ko po sanang magtrabaho? Para maiba naman po. Saka gusto ko ring makaipon kahit kaunti. Lalo po at matanda na kayo ayaw ko ma ring magtrabaho pa kayo," malumanay kong sabi sa aking ina. "Ikaw, kung iyan ang balak mo ay susuporthan kita anak ko. Saka kaya ko pa naman ang trabaho rito sa malaking bahay. Kaya huwag mo akong alalahanin," sabi nito sa akin. "Maraming salamat po, inay," magalang na sabi ko. Nakangiti naman itong tumango sa akin. Pagkatapos ay agad na umalis sa aking harapan. Ako naman ay nag-iisip kung papaano ko makukuha ang mga panloob ko sa