NASA BALKONAHE si Riley at kasalukuyang nagpapahingin. Alas kuwatro na ng hapon kaya hindi na nakakasilaw ang araw sa labas. Kung ano-ano ang mga iniisip siya. Karamihan ay tungkol sa mga nangyari sa kanilang magkakaibigan. Kung paano sila nagkakilala lahat at kung paano sila nakarating sa ganitong estado ng friendship. "Huy!" Napahawak sa dibdib si Riley dahil sa gulat. Masama niyang tiningnan si Aidan na kakadating lang. May suot pa itong facemask saka cap. "Sama ng ugali mo. Muntik na ako atakihin sa puso," aniya saka ito inirapan. Natatawa naman itong naupo sa tapat niya. "Anong ginagawa mo rito?" Nakitingin na rin ito sa malawak na syudad ng BGC. "Nag-rerelax. Ikaw, anong ginagawa mo? Tapos na ba schedule mo?" "Hmm. Umuwi ako kasi na-miss kita kausap." Napangiti siya. "Wow! A