TAHIMIK AT walang kibo si Aidan habang kumakain sila ng meryenda ni Riley. Pinakikiramdaman lang niya ang bestfriend niya na seryosong nakatuon ang atensyo sa pagkain. Hindi niya tuloy alam kung paano sisimulan ang pagtatanong. Naguguluhan na talaga siya sa mag nangyayari. "Aidan," tawag niya rito. Tiningnan lang siya nito ngunit hindi nag-abalang magsalita. Napayuko siya. "I-iyong tungkol kanina. I-I am sorry kung nagpunta rito si Sean." "Pinapunta mo ba siya rito?" Kaagad siyang umiling. "Hindi. Promise." Tinaas pa niya ang kanang kamay. "Kahit tingna mo pa ang conversation namin sa chat. Hindi atalaga. Kahit ako ay nagulat nang makita ko siya kanina sa labas ng pinto," aniya na bahagyang humina ang tinig. "Hindi naman pala, e. Bakit ka nag-sosorry?" "K-kasi pakiramdaman ay galit