NAGISING NA LANG si Riley kinabukasan na masama ang pakiramdam. Nagsimula siya magbahing-bahing hanggang sa naluluha na ang kaniyang mga mata. Masakit na rin ang lalamunan niya kahit na anong inom niya ng tubig. Lumabas siya ng silid at kahit napipikit ang mga mata dahil sa sobrang kati ng mga iyon ay nagawa niya pa ring titigan ang kaibigan na nagulat din dahil sa itsura niya. "Ayos ka lang?" tanong ni Dash nang laumapit sa kaniya. Imbis na sumagot ay kaagad siyang tumakbo patungo sa lagayan ng mga tissue nila. Nang makakuha siya niyon ay kaagad siyang nilabas lahat ng sama ng loob niya roon. Nanlalata siyang napaupo sa sahig. Ang tagal na buhat nang huli siyang atakihin ang allegy sa katawan. Nangangati na rin ang katawan niya. Lumapit sa kaniya si Dash at inabutan siya ng tubig. "Ina