Nang sandaling magmulat ng mata si Valeria ay ang kulay puting kisame ang una niyang nasilayan. Nagkamot pa siya sa ulo at tiningnan ang orasan sa gilid ng kama. Alas singko pa ng umaga kaya ibig sabihin hindi pa siya late. Pero nagtaka siya dahil parang nag iba ang hitsura ng maliit niyang orasan. Masakit din ang katawan niya na parang binugbog siya galing. Nag inat siya ng kamay at dumapa sa kama. Pati kama niya ay parang mas lumambot. Pumikit nalang ulit siya at niyakap ang malaking teddy bear na palagi niyang katabi. Pero imbis na malambit na stuffed toy ay matigas na bagay ang kanyang nayakap. Nangunot ang kanyang noo at dumukwang para tiningnan kung bakit matigas. Ang pikit-pikit niyang mata kanina ay bigla nalang nanlaki nang makita ang likod ng isang lalaki sa tabi niya. Agad s