Hindi na alam ni Valeria kung paano siya nakalabas ng opisina ng boss pagkatapos ng sinabi nito. Feeling niya matutuyuan siya ng dugo sa tuwing nagkakaharap sila ni Brad. Kung dati ay panty lang niya ang naibigay niya dito kaya siya confident at malakas ang loob. Ngayon ay ibang usapan na, yong nasa loob na kasi ng panty ang naibigay niya! Around eleven am ay tumawag ito sa intercom. Nagpa order ng good for two sa favorite nitong resto. Pero imbis na dalawa ay isa lang ang inorder niya. Ayaw na niyang sumabay dito ng lunch dahil sa cafeteria siya ng building kakain. Nang dumating ang order ay saktong pagpasok niya sa opisina nito ay nakatalikod ang lalaki paharap sa malaking salamin kung saan natatanaw ang malaking syudad. May kausap ito sa phone at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. "