Tulala si Valeria habang nakaupo sa kama, mag-isa. Nagising nalang siya na wala nang kasama sa kwarto at hindi niya alam kung paano umuwi ang lalaking kaulayaw niya kagabi. Kada kilos niya ay feeling niya tumutunog din ang kanyang mga buto. Nabalian na ata siya sa pinanggagawa niya kagabi. Dahan-dahan siyang bumangon para magpunta sa banyo. Parang may siling nakalagay sa gitnang hita niya dahil nahihirapan siyang maglakad. "Bwesit." nasabi niya bigla habang naglalakad at biglang sumirit ang sakit sa kanyang p********e. Nang makarating sa banyo ay pinilit niyang maligo. Nagbihis ng pambahay at basta nalang nag blower ng buhok bago tinali. Hindi siya papasok ngayon dahil alam niyang magmumukha siyang penguin maglakad at nakakahiya yon. Pagkalabas niya ng kwarto ay sumalubong sa kanya