Dalawang araw din na hindi pumasok si Valeria. Talagang sinulit niya ang dalawang araw para ibigay sa kanyang ina ang oras at panahon niya. Halos hindi siya makapaniwalang bumalik na ulit sila sa dati. Na silang dalawa nalang. Kaya ngayon ay kabado siyang sumakay ng taxi kahit pa nagpaalam naman siya ng maayos na hindi siya papasok ng dalawang araw. Alas otso palang ng umaga kaya siguradong wala pa ang kanyang boss. Mas magandang mauuna siya dito dahil marami siyang tatapusin trabaho. "Oy, nag leaved ka ng dalawang araw?" turan ng isang kasamahan nilang empleyado. Nakasabay niya ang babae sa elevator kaya wala siyang nagawa kundi tumango. Silang dalawa lang naman doon kaya awkward kung hindi siya sasagot. "Hindi mo pala alam ang latest chika natin sa office." anitong umikot pa ang ma