Talagang nalula si Valeria ng makarating sa airport. Lalo na nang makita ang pagmamay-aring private plane ni Brad. Noong hindi pa sila iniwan ng kanyang ama at masagana ang kanyang buhay ngunit hindi naman dumating sa point na ganito. Ngayon lang talaga niya napatunayan kung gaano kayaman at gaano kalaking tao ang lalaki. She could've wonder why he's cruel and dangerous in every client or investors they meet. Halos lahat ay gustong bumahagi sa emperyong pinamumunuan nito. Ang nagmamay-ari naman ng paliparan na iyon ay ang kaibigan nitong si Paul Vicente. Na minsan na din niyang na nakilala dahil sa meeting. May sariling spot din ang private plane nito sa Vicente Airlines kaya walang magiging problema kahit ilang plane pa ang nandoon. Nabanggit din nito na ang iba ay pagmamay-ari ng iba p