Nasa isang resorts sila sa El Nido Palawan. Ang sabi ni Brad ay pag mamay-ari din ito ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi na siya magtataka na halos lahat ng ng pinuntahan nila ay pag mamay-ari nito o pag mamay-ari ng isa sa mga kakilala nito. Sa sobrang dami nitong connection at kung gaano kalawak ang mundong ginagalawan ng lalaki ay normal na ang mga ganitong bagay. Beach front ang resort and hotel na pinag-stay-han nila. Luxury hotel na puro din mayayaman ang kayang mag check in. Pagpasok palang nila sa lobby ay may sumalubong na agad sa kanilang staff na babae. Halos mag ningning ang mata nito ng masilayan si Brad, dagdag pang pinatong ng lalaki sa ulo ang shades na suot nito kaya't halos mangisay ang babaeng staff habang nakatingin sa lalaki. "Good day, sir. How many I help you." K