Pangalawang araw na nila sa Palawan. Bukas ay uuwi na sila dahil tatlong araw lang naman ang sinabi nitong bakasyon. Hanggang ngayon ay hindi parin niya alam kung para saan ang bakasyon na ito at nevertheless ay hindi na niya kailangan pang isipin ang bagay na iyon. This vacation helps her to relax and took a day off from her works. Halos ilang buwan din simula nang magtrabaho siya at hindi na siya nakakapagpahinga. Really Valeria? Paano ka nakakapagpahinga kung palagi ka naman pinapagod ng kasama mo? Umiiling na dinampot niya ang lemonade sa mesa at sumipsip doon. Nasa beach siya at nakaupo sa isa sa mga lounger na nandon. Suot niya ang two piece bikini na kulay itim at G-string ang style pero hindi niya magawang hubarin ang suot niyang cover up. Hindi sa wala siyang confidence kundi