CHAPTER 32

1562 Words

Tunog ng pinto ng kwarto ang gumising kay Valeria. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at ang seryosong pares ng mata ang kanyang nasilayan. Bumangon siya nang tuluyan itong makapasok. Preskong-presko ito sa suot na white polo shirt na hakab sa malalaki nitong balikat at shorts na may tatak ng mamahaling brand. Hindi nakangiti ang lalaki pero may lambong ang klase ng tingin nito. "You finally woke up." ang unang lumabas na salita sa bibig ng lalaki. Nagtatakang tumingin siya sa mukha nito at tinanaw ang bintanang salamin. Mainit sa labas at tantiya niya ay nasa alas onse na ng tanghali. Mag umaga na din kasi silang natapos kaya malamang tatanghaliin din siya ng gising. "Kumain ka na ba ng lunch?" sabi nalang niya. Inaalala niyang baka hinihintay siya nitong magising dahil nagugutom

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD