MY WHOLE body was shaking as I silently cried and lay on the bed. Kanina pa akong mag-isa roon sa opisina ni Hideo. God! Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga ginawa niya sa ’kin kanina. Ang marahas na pag-angkin niya sa mga labi ko. He touched the private parts of my body. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang mga palad niyang iyon sa katawan ko. Ang takot sa puso ko ay hindi na nawala. Muntikan na niya akong makuha kanina. Kung hindi lamang dahil sa isang tawag na natanggap niya mula sa tauhan niya... hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa ’kin ngayon. Kung ano na ang nangyayari sa ’min ngayon. Jesus! Ang akala ko ay kaya kong ibigay ang sarili ko sa kaniya dahil lamang sa isiping—matatapos din itong paghihirap ko sa kamay niya kung makukuha niya ang katawan ko. But when he started kissing me... doon ako labis na natakot.
Muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga. Kumilos ang mga kamay ko at niyakap ang sarili ko. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa mata ko.
Hindi ko rin alam kung ilang oras na akong umiiyak doon at nakatulog na lamang. Basta nagising na lamang ako dahil sa pakiramdam na may mga matang nakatitig sa ’kin. Nananakit man ang ulo ko, lalo na ang mga mata ko na alam kong namamaga dahil sa pagtangis ko... pilit akong kumilos sa puwesto ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay kaagad na nakita ko si Jule na nakaupo sa swivel chair ni Hideo. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin pero panay ang nguya ng chewing gum.
Nangunot ang noo ko kasabay nang pagkilos ko ulit sa puwesto ko. Umupo ako sa kama. Nang mahagip ng mga mata ko ang wall clock na naroon. Doon ko lamang nalaman na alas onse na pala ng umaga. Ang tagal ko palang natulog.
“Good morning señorita!”
Napatingin ako ulit kay Jule nang magsalita siya.
“Are you hungry?”
Ngunit sa halip na sagutin ko ang tanong niya, saglit na inilibot ko ang aking paningin. Yeah! Doon na nga ako nakatulog sa opisina ni Hideo.
“I know gutom ka na. Let’s go at sa kusina na tayo. Nagugutom na rin ako,” tumayo siya sa kaniyang puwesto. “Kanina ko pa gustong kumain. Kaso natutulog ka pa naman. Hindi kasi ako sanay na kumain ng mag-isa lang.” Dagdag pa niya.
“W-where—”
Pero bigla rin akong tumigil at hindi na itinuloy ang pagsasalita ko.
“Huh?”
Nagbaba ako ng mukha upang mag-iwas ng tingin sa kaniya.
“Come on! Sumunod ka sa ’kin sa kusina. Iinitin ko lang ulit ang niluto kong ulam kanina.”
’Tsaka siya naglakad at lumabas na sa silid na iyon.
Ako naman, nagtataka man ako dahil sa Jule na iyon at kung bakit siya nandoon na naman sa Isla at inaaya niya akong kumain sa kusina... hindi ko na lamang iyon masiyadong binigyan ng pansin nang biglang kumalam ang sikmura ko. Oh yeah! It’s almost twelve noon. Malamang na nalipasan na rin ako ng gutom ko kaninang umaga habang masarap pa ang tulog ko.
I let out a deep sigh again. Pagkatapos kong umupo at matulala roon, nagpasya na rin akong tumayo sa kama. Kahit papaano kumalma na ang sarili ko. Hindi na kagaya kagabi ang t***k ng puso ko. Medyo kumalma na rin ang takot ko dahil kay Hideo.
Dahan-dahan na akong naglakad palapit sa pinto. Pero mayamaya ay natigilan din ako nang maalala ko siya. Paano pala kung pagkalabas ko sa kuwarto na ito ay naroon din siya sa labas? Panigurado akong magagalit na naman siya sa ’kin. Ah bahala na! Alam naman niyang sa opisina niya ako nakatulog buong magdamag. Magalit siya kung magagalit siya sa ’kin. Lakas loob kong hinawakan ang doorknob at pinihit na ang pinto pabukas. Naglakad ako papunta sa sala. Walang tao roon. Tahimik ang buong paligid. Wala akong maramdaman na may tao sa labas ng bahay, maging sa itaas ng bahay.
“Come on Ysolde!”
Bahagya pa akong napapitlag nang bigla lumabas mula sa kusina si Jule.
“Don’t worry... wala si boss ngayon.”
Dahil sa sinabi niya, parang pakiramdam ko bigla akong nakahinga nang maluwag. Ang akala ko ay naroon si Hideo. Hindi na sana ako tutuloy sa kusina e!
“Halika na at naghain na ako. Sabay na tayong kumain.”
Muli kong dinig na saad niya bago siya tumaliko at bumalik sa loob ng dinning.
Naglakad na rin ako papunta roon. Nasa may pintuan pa lamang ako ng dinning ay naaamoy ko na ang mabangong Chicken Adobo. It’s my favorite. Labis tuloy akong natakam at nagutom.
Nang makalapit ako sa lamesa, umupo ako sa isang silya na naroon sa tabi ng kabisera.
“Um, n-nasaan siya?” tanong ko habang seryosong nakatingin kay Jule. I just wanted to know kung nasaan siya ngayon.
“Umalis si boss patungo sa Cuba. Isang linggo ata siyang mawawala. Pinapunta niya ako rito para may kasama ka.”
Isang linggo? Isang linggo siyang mawawala rito sa Isla? Ewan, pero parang pakiramdam ko nagbunyi ang puso ko. Parang gusto kong ngumiti ngayon nang malapad at tumawa at pumalakpak. That means, isang linggo rin akong makakalaya sa kuwarto ko? Isang linggo akong makakakilos ng maluwag dito sa bahay niya? Although isa pa rin akong preso sa Isla niya, pero natutuwa ako sa isiping hindi ko makikita at mararamdaman ang presensya niya rito ng isang linggo.
“Okay ka lang ba Ysolde?”
Kunot ang noo na tanong sa ’kin ni Jule.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Chicken Adobo is my favorite!” sa halip ay saad ko sa kaniya at nagsimulang maglagay ng kanin at ulam sa plato ko.
“Ayon nga ang sinabi sa ’kin ni boss kaya pinagluto niya ako nito.”
Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi ni Jule. What? Si Hideo ang nagsabi sa kaniya na magluto ng abodong manok dahil alam nitong paborito ko ito? How did he know? Alright! Oo nga! Makapangyarihan si Hideo. Marami siyang tauhan. Marami siyang salapi. Kaya malamang na lahat ng tungkol sa ’kin ay alam na niya. Hindi na iyon nakakapagtaka.
“Let’s eat!”
Muli akong napabuntong-hininga ng banayad bago nagsimula na ring kumain.
“Ang sabi sa ’kin ni Ulap kanina, ikinasal na raw kayo ni boss kagabi.”
Napatingin ako sa kaniya nang muli siyang nagsalita. Nakita ko naman siyang ngumiti ng tipid kasabay nang pag-iling niya.
“Kakaiba talaga ang isang Antonio Hideo Colombo. Lahat nalang idinadaan sa haras.”
“What’s your real name?” tanong ko sa kaniya.
Saglit naman siyang tumigil sa pagkain niya at nag-angat din ng mukha para tingnan ako.
She’s beautiful. Maliit lang ang mukha niya. Malalim ang mga mata niya. Manipis ang eyebrows niya. Matangos din ang ilong niya. Manipis ang mga labi niya. She’s beautiful kahit pa itinatago niya iyon sa boyish niyang personality. Kahit pa itinatago niya iyon sa mga kulay itom na make up niya. Her black lipstick. Eye shadow. Eyeliner. Tapos lagi pang nakatirintas ang buhok niya. Lagi siyang nakasuot ng black leather jacket at black pants.
“Why are you asking?” balik na tanong niya sa ’kin.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Kasi kagaya kay Ulap, maayos din ang trato mo sa ’kin. Hindi kagaya kay... Hideo!”
“Gusto mo ba akong maging kaibigan kaya tinatanong mo kung ano ang totoo kong pangalan?”
“Masama ba?”
Hindi agad siya nagsalita. Kumain lang siya. Ganoon na rin ang ginawa ko.
“I’m Julemie Andrejas!”
Napatingin ulit ako sa kaniya pagkatapos ng matagal na katahimikan sa pagitan namin.
“Are you relative with him? O—”
“Tama na ’yong nalaman mo ang totoo kong pangalan.”
Saad niya dahilan para maputol ako sa pagsasalita. Okay! Mabuti na rin iyon. At least alam ko kung ano ang pangalan niya. Mukha naman siyang mabait kagaya ni Ulap. Not like Hideo.
“DO YOU WANT to go outside?”
Mula sa pagkakatayo ko sa gilid ng sliding door habang nakatanaw sa labas ng bahay, sa dalampasigan, napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Jule. Nang balingan ko siya ng tingin, nasa tabi ko na pala siya. Ang lalim nga ng iniisip ko kaya hindi ko naramdaman ang paglapit niya sa ’kin.
“Wala si boss na hinihigpitan ka sa mga kilos mo. Kaya kung gusto mong lumabas, maligo ng dagat, o mamasyal ka sa buong Isla... gawin mo na. Sulitin mo na. Huwag mong isipin na preso ka rito.”
“Why do you allow me to do those things?”
“Kasi alam kong bored ka na rito. Kasi alam kong nami-miss mo na ang pamilya mo. I can see it in your eyes. Kanina palang nang sabihin kong wala rito si boss ng isang linggo... kuminang agad ang mga mata mo.”
Bigla akong nagbawi ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nakita niya pala sa mga mata ko kanina ang tuwa ko.
“Hindi ako sigurado kung isang linggo siyang mawawala rito. Kaya kung ako sa ’yo... sulitin mo na ang araw na ito. Go on! Hindi kita isusumbong sa kaniya.”
Muli akong napatingin sa dagat. When was the last time na nakapag-enjoy ako? Na nakaligo ako ng dagat? I can’t even remember.
Gaya sa sinabi ni Jule sa ’kin... sinulit ko nga ang araw na iyon. May kaba man sa dibdib ko, pero lumabas ako ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin sa dalampasigan. Nakangiti akong naglakad sa pino at puting buhangin habang pinagmamasdan ko kung paano lumubog ang mga paa ko roon. Hanggang sa narating ko ang dagat. Lumangoy at naglunoy ako sa dagat. Para akong paslit na ngayon lamang nakalabas ng bahay at ngayon lamang na experience ang mga bagay na iyon at tuwang-tuwa ako. Ilang oras akong nandoon sa dagat. Kung minsan ay nasa dalampasigan ako at nakahiga sa buhangin. Si Jule naman ay nasa Lanai lang at tinatanaw ako. Just like Ulap nang hinayaan niya akong makalabas ng bahay nang isang araw habang wala si Hideo.
“Come on Jule, samahan mo akong maligo ulit ng dagat.” Nakangiting saad ko kay Jule nang pababa na ako sa hagdan. Nasa sala siya at busy sa pagpindot ng cellphone niya.
It’s been four days. Yeah! Apat na araw ng wala rito sa Isla si Hideo. At masasabi ko ngang malaya ako sa apat na araw na iyon dahil wala rito ang lalaking kinatatakutan ko. At nagkasundo na rin kami ni Jule. I know she’s a good person. Marami na rin kaming napag-usapang mga bagay-bagay. Nag share ng mga life experiences. And we’re almost the same. Wala na rin siyang mama almost six years na. Ang papa naman niya ay may iba ng pamilya. Nag-iisa lang din siyang anak. And she even told me the whole story kung bakit nandoon siya nagtatrabaho kay Hideo. And just like Vena, paulit-ulit niya ring sinabi sa ’kin na mabuting tao si Hideo. Si Hideo raw ang nagligtas sa buhay niya nang minsan ay muntikan na siyang magahasa nang nasa lansangan siya at nagpapalaboy pa. Si Hideo ang naging dahilan upang magbago ang buhay niya. Utang niya raw kay Hideo ang kaniyang buhay. Kaya lahat ng utos sa kaniya ni Hideo ay ginagawa niya.
“Ayokong maligo! Malamig ang dagat.” Sagot niya.
I frowned while staring at her. “Dali na. Masarap ang tubig dagat.”
“Ayoko nga!”
Naglakad ako palapit sa sofa kung saan siya nakapuwesto. Walang paalam na hinila ko ang kamay niya. “Let’s go.”
“Wala akong damit. Hindi pa ako nakakapaglaba.”
“Ang dami mong dahilan. Ako na maglalaba ng mga damit mo mamaya. Mag two piece ka nalang.”
Tinitigan niya ako ng masama dahil sa sinabi ko. Napahagikhik naman ko.
“Wala naman ibang tao rito sa Isla kundi tayo lang. Pareho naman tayong babae kaya walang nakakahiya kung magsusuot ka ng ganoon.” Saad ko pa sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya at binawi ang kamay niya na hawak ko. “Maligo ka na roon. Huwag mo na akong idamay. Ayokong ibilad ang sarili ko roon.” Aniya.
“Ang nega mo naman. Bahala ka nga riyan!”
Naglakad na ako palabas ng bahay. Hanggang sa marating ko ang dalampasigan. Sa nakaraang apat araw na lagi kong pagligo ng dagat, medyo naging Tan na rin ang kulay ng balat ko. Bumakat na nga rin sa balat ko ang two piece na suot ko.
Tinanggal ko ang robe na suot ko. I’m wearing yellow string two piece bikini. Hindi ko alam kung sino ang bumili niyon. Basta nakita ko lang ’yon sa closet na nasa loob ng kuwarto na ginagamit ko. Sakto naman sa ’kin ang size kaya ginamit ko na rin.
Lumusong ako sa dagat. Just like the other days, nag-enjoy na naman ako kakalangoy at kakasisid doon. Hanggang sa pag-angat ko sa tubig dagat pagkatapos ng huling sisid ko, ganoon na lamang ang labis na gulat at kaba ko nang mula sa dalampasigan kung saan ko iniwan ang robe at towel na dala ko kanina... I saw Hideo standing there. May suot man siyang itim na Ray-ban, but I’m sure na nakatingin siya ng seryoso sa direskyon ko. Naroon na naman ang pamilyar na kaba sa dibdib ko. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling iyon. Kung aahon ba ako at maglalakad palapit sa kaniya o pipilitin na lamang na lumangoy sa dagat makalayo lang sa kaniya.
Sa huli ay wala rin akong nagawa. Dahan-dahan akong umahon sa tubig. Hanggang sa maglakad na ako palapit sa kaniya.
He removed his shades and stared at me as I approached where he was standing. Ibang klase ang mga titig niya sa ’kin. Lalo na nang maglakbay ang mga mata niya sa katawan ko. Wala sa sariling napayakap tuloy ako sa katawan ko kasabay ng pagbaba ko ng mukha.
God! Akala ko ba isang linggo siyang mawawala sa Isla? But what is he doing here? Bakit nandito na siya? Mas lalong lumakas ang kabog nang puso ko dahil sa takot sa kaniya.
“What are you doing Ysolde?”
There! Ang seryoso at nakakatakot na boses na iyon. I missed his voice? What? What am I thinking right now? Nahihibang na ba ako? Bakit ko naman mami-miss ang boses niya? Oh God Ysolde!
“Enjoying the sea? Enjoying the moment while I’m not around?”
“Um, s-sorry! G-gusto ko lang naman ma—”
Bigla akong natigilan nang lumapit siya sa ’kin at walang paalam na hinawakan niya ang kamay ko. Walang sabi-sabi na hinila niya ako sa kamay ko upang bumalik sa bahay niya. Nang makita kong naroon sa labas ng bahay niya ang mga tauhan niya, bigla akong nakaramdam ng hiya nang makita kong titig na titig sila sa ’kin... lalo na sa katawan ko.
Huminto sa paglalakad niya si Hideo. Kitang-kita ko na naman ang pag-igting ng panga niya.
“I will count two, and if you are still looking at my wife’s body—”
Biglang nagsitalikod ang mga tauhan niya hindi pa man siya tapos sa kaniyang pagsasalita.
Ewan ko. Pero pakiramdam ko may kung anong munting kiliti sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Dahil sa pagtawag niya sa ’kin ng wife. God! Dapat ba akong matuwa o kiligin dahil doon? Masama pa rin siyang tao, Ysolde! Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang kinikilig at natutuwa ako? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Natatakot ako sa kaniya, nagagalit ako sa kaniya, tapos ngayon... kinikilig ako dahil sa mga sinabi niya?
Muli niya akong hinila hanggang sa makapasok kami sa bahay niya.
“We’ll talk later, Jule.”
Mariin at seryosong saad niya nang dumaan kami sa sala. Nakatayo na rin doon si Jule. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Mukhang pati ito hindi inaasahan ang pagdating bigla ni Hideo.
Hawak-hawak pa rin ni Hideo ang kamay ko nang pumanhik kami sa hagdan. Hanggang sa marating namin ang kuwarto ko. Doon lamang niya ako binitawan at tinitigan ng seryoso. Ayaw ko mang salubungin ang mga mata niya, pero hindi ko naman magawang mag-iwas ng tingin sa kaniya. Parang may magnet ang mga mata niya at nadikit na doon ang paningin ko.
“I... I’m sorry!” saad ko.
Pero hindi naman siya nagsalita.
Muli akong napayakap sa sarili ko nang bumaba ang paningin niya sa tapat ng dibdib ko. Jesus! Awtomatik na nag-init ang buong mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. I’m wearing two piece bikini kaya nakakailang na nakatitig siya sa katawan ko.
“Damn it Ysolde. You’re turning me on!”
Iyon lamang at kaagad niyang tinawid ang maliit na espasyo sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung gaano kabilis ang mga pangyayari. Basta bigla na lamang niyang hinila ang baywang ko gamit ang isang braso niya, ang isang kamay niya ay humawak sa batok ko at bigla niyang siniil ng mariin na halik ang mga labi ko.
Gulat ako sa ginawa niya. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, lalo na nang maramdaman kong mas lalo niya akong hinapit sa baywang ko. And I could feel his hard manhood between his thighs when he pressed himself towards me.
I want to push him away from me... pero tila wala akong lakas na gawin iyon. Para bang naupos bigla ang lakas ko dahil sa klase ng mga halik niya sa akin ngayon. Basta ko na lamang naipikit ng mariin ang mga mata ko at hinayaan na halikan niya ako.