GOOD MORNING
It was a text message from him. She constantly received text messages or chats after that incident. She would reply but not to the extent that she would look needy for him. She doesn't want to have false hope too. She constantly reminds herself not to put meaning to everything he does.
Hindi niya alam pero simula ng araw na kung saan lumuhod si Von Rix sa harapan niya. He became more friendly with her, nagulat na nga lang siya ng makatanggap ng mensahe mula sa binata. She acted like it was nothing, just a normal message. But she couldn't deny the fact that she is seeing him in a different light.
Her friends would tease her after that incident. Even Ishie, supportado sa kalokohan ang kuya nito. Issue would pair her up with her brother.
Imagine her shock later that night when Von Rix messaged her. And using the endearment he called her on the resort. She tried to get along with it. He became so consistent with his messages.
She considers him as a friend after years of being associated with his family ay ngayon lang naging bukas sa kanya ang binata. Ngunit may magkaibigan bang nagpapaalam sa lahat ng bagay na gagawin nito?
"Good morning! Pupunta pala kami sa Caberneda, manunuod kami ng drag race. Pag gising mo kumain ka na."
It was a message sent few hours ago, alas dose na ng tanghali. Kakagising niya lang.
It was his usual greetings. Nasanay na rin siya sa ilang araw na pagbati ng binata. She find it really weird but she didn't say anything. Nasa bahay lang siya na mamalagi, nahihiya siyang lumabas dahil uulanin siya ng kantsaw at panunukso. Lumalabas lang siya kapag gagala kasama ang mga dating kaklase o mag-ko-computer sa kabilang kanto. O kaya magpapaload para makareload siya ng mga bagong babasahin sa Wattbook. It was an app, where she can read stories for free. Iyon ang kinakaadikan niya mula noon hanggang ngayon.
"Good Noon! Have a safe trip," she replied and stood up. Medyo masakit ulo niya dahil alas cinco ng umaga na siya nakatulog.
As she left their room she saw her grandfather sitting on the wooden chair. He was busy watching his favorite noon time show.
"Lo, nasaan si Lola?" she asked while fixing her hair.
"Andun sa labas baka nakikipag-usap sa kaibigan niya," he answered. Still, his eyes were fixed on the television.
"Ay nananghalian ka na ba, Lo?" malambing niyang tanong.
Minsan lang siya kung maglambing kapag tinotopak siya. Kadalasan talaga aburrido siya, siguro dahil parating kulang sa tulog. Dahil sa kakabasa niya ng mga pocket books o mga kwento sa online.
"Oo, pinakain ako ng Lola mo." Her grandfather answered.
"Kuu! Baka pumupuslit ka na naman ng asin, ha! Lagot ka na naman kay Lola," pagbabanta niya.
Minsan kasi ay nahuli niya ang Lolo niya na pumapapak ng asin. Ang kaso, bawal ito sa kanya. Ang siste, siya ang mapapagalitan ng Lola niya. Dahil hindi niya raw sinasaway. Kung alam kang nito. Tumabi siya sa Lolo niya at yumakap.
Humarap sa kanya ang Lolo niya, "Nambibintang ka na naman. Baka awayin na naman ako ng Lola mo!"
"Che! Ganun talaga kapag matigas ulo mo. Alam mo na ngang bawal sa 'yo ang maalat. Teka, si Nikka kumain na ba 'yun?" tukoy niya sa kapatid niyang babae.
"Tapos na, ikaw na lang ang hindi pa kumakain simula kanina. May ulam dun sa mesa tinakpan ng Lola mo. Huwag mo nga akong guluhin, 'di ko maintindihan pinapanood ko."
"Sungit!" she mumbled and left.
She went straight to the table, nakaramdam na talaga siya ng gutom. She let herself be one with the food for a while. Walang kudaan, kain lang siya ng kain. Nang matapos siya ay nagpunta agad siya sa kwarto. It was her daily routine. When she saw her phone, there was a message from Von Rix. Telling her that he is having lunch with his friends. Minsan 'di rin niya gets pag-uugali ng Kuya ng kaibigan niya. He is too friendly, hindi siya sanay doon.
Her whole day was boring, dahil bakasyon ngayon at walang pasok. Kain, tulog at pagbabasa ng mga pocket books lang ang daily routine niya. Simula grade five at nahumaling siya sa pocket books. Kadalasan ay nanghihiram siya ng libro o 'di kaya nag-aarkila.
Kilig na kilig talaga siya sa mga binabasa at minsan ay dalang-dala siya. Napapahagulgol na lang siya minsan. Deisi ocho anyos na siya at ni minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng nobyo. Ang mga tauhan sa kwento ang nagsisilbi niyang mga kasintahan. She could imagine her first kiss on the beach with the man she loves. Ang kaso sino? Eh, wala nga siyang love life.
All of her childhood friends were already in a relationship. Kahit na mas bata pa sa kanya ay nakaranas na magkaroon ng kasintahan. She had her fair share of crushes pero hanggang dun lang. But the worst and crush she had was way back in junior highschool but she had to keep it as a secret since her closest friend likes him too. Imagine her horror when she had to act like she only sees him as a friend. Na sa tuwing niyayaya siya ng binata ay tumatanggi siya. She treasures friendship more than anything. Kaya kahit pa na gustong-gusto niya ang binata noon she had to give way. Saka takot rin siya sa commitment. Bata pa lang siya, she always overheard the countless arguments of her parents.
How her mother would cry because of her father’s infidelity. Hanggang ngayon ay may hinanakit siya sa ama dahil sa kagaguhan nito ng mag-ibang bansa ang kanyang ina. Her father cheated on her mother. The worst part was he allowed everything to be seen by her siblings lalong lalo na ang bunso niyang kapatid.
Naputol ang pagmuni-muni niya ng tumunog ang kanyang cell phone. She took her phone and tapped the phone screen. It was a call from Von Rix. Napasinghap siya sa gulat, palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Her mind is in chaos whether to answer his call or reject it. The next thing she knew, she answered it.
“Hello?” she mumbled in a small voice. Afraid to be heard by her grandfather. Manipis lang kasi ang ding-ding ng kwarto niya. Gawa lang kasi ito sa plywood.
“Ave,” he uttered.
“Hmm?”
She heard him sighed, “Stranded ako dito sa Caberneda.”
"Oh. Bakit naman?" she asked.
"Malakas ulan dito eh, diyan ba?"
Umiling siya, tila ba nakikita ng binata ang ginagawa niya. "Hindi, eh."
"Pwede bang sabihin mo si Mama na hindi ako uuwi ngayon? Baka bukas ng umaga na ako uuwi."
"Ha?"
Bakit kailangan siya ang magsabi kung pwede naman ito?
Bakit ba malakas ang t***k ng puso niya? Samantalang wala namang ginagawa ang binata na dapat niyang ikakaba.
MADILIM na at maingay pa rin sila na nag-iinuman sa labas. They were playing the game card, the only drinking game they played back in the younger days. They were drinking on the mini garden, ang ilaw na nagmumula sa bombilya at buwan ang gumagabay sa kanila.
"Ano sa pasko dating gawi tayo after 12 midnight kita tayo or sa umaga na tayo magkita?" Mary asked while picking up a card.
"Kinabukasan na siguro? Okay lang rin naman dito ang venue natin." She suggested.
"Sa umaga na siguro, you know naman we have Eivan na." Meira said.
Napatango siya, nga naman isa sa kanila ay may pamilya na. They can't just plan things on the spot. They have to consider Meira and Jervy's time too.
"If we can't meet on Christmas, just like we used too. Gawin na lang natin yung suggested plan ni Ave few days later. Mag-beach tayo, overnight." Suhestyon ni JM.
"Tama!" Nala agreed. "Pero nga 'di ba iba rin yung plan natin next week?" dagdag pa ni Nala.
"'Di ba nga the plan I suggested nextweek, the cottage and entrance fee ako na ang bahala. Foods, drinks ang problem lang— sasakyan I can use the car I rented for a month. However, I can't drive, wala akong tiwala sa driving skills ko sa long rides 'di ko kabisado pasikot-sikot dito."
"Sa 'min ang isa pang sasakyan," Hansen suggested too. "Ang problema na lang ang sa isang sasakyan. Who will drive?"
"Ay! Si Von Rix! 'Di ba marunong kang mag-drive?" biglang suhestyon ni Jervy kaya napatingin lahat sa tahimik na si Von Rix.
"Ako?" naguguluhan nitong tanong.
"May iba pa bang Von Rix dito?" pamimilosopo ni JM. "Charot! Ikaw nga Von 'to naman 'di mabiro."
"Pwede naman kaso pwede bang around lunch na lang tayo umalis? Kailangan ko pa kasing icheck ang restaurant sa umaga."
"Maliit na bagay!" patawa tawang saad ni Mary. "Then it is settled! Sa sasakyan ni Ave si Von Rix ang mag-da-drive. Nala, Jervy and Aena dun kayo, JM and I saka ang boyfriend ko sa kotse nila Hansen."
"Regarding sa food and drinks, hati-hati tayo sa expenses. Order na lang tayo sa restaurant ni Von Rix," singit ni Aena.
"Then everything is settled!"
Except the fact that she and Von Rix in the same car drives her insane. Hindi pa nangyayari nababaliw na siya.
Idinidikdik talaga siya ng tadhana, o mas ipinamumukha sa kanya na tapos na?