SA ISANG elementary school gymnasium ginanap ang tae kwon do competition kung saan kasali si Yona at ang iba pang estudyante ng Mr. Kim Martial Arts Studio. Maaga gumising si Sylve para magluto ng babaunin. Ayon kasi sa schedule na ibinigay ng trainor ng kanyang anak, kung sunod-sunod itong mananalo at aabot sa finals, hanggang hapon silang mananatili sa venue. Bandang alas otso ng umaga may kumatok na sa pinto ng kanilang apartment. “Si tito Keith!” masiglang sigaw ni Yona na tumakbo para pagbuksan ang bagong dating. Napangiwi si Sylve at sinundan ng tingin ang bata. Dalawang linggo na mula nang mapag-usapan nilang babawasan na ng lalaki ang pagpasyal sa kanila. Kaso imbes na mabawasan ang excitement at attachment ng bata lalo lang iyon tumindi ngayong minsan na lang nagpapakita sa ka