DALAWANG LINGGO ang matuling lumipas. Unti-unti nang nasasanay si Sylve sa araw-araw na pagpapakita ni Keith sa kanila ni Yona. Iyon nga lang may mga sandaling napapraning pa rin siya lalo at hindi nila napaguusapan kung ano ba talaga ang plano ng lalaki para sa bata. Kapag kasi bumibisita ito sa kanila para bang masaya na ito na nakakabonding nito si Yona. Nakakampante tuloy siya at napapaniwala na normal lang ang sitwasyon nila. Madalas din may mga residente ng apartment building ang nakakakita na kasama nilang mag-ina si Keith. Mayroon nang mga nagtatanong kung sino ito. May iba pa nga tahasan kung magparinig na sa wakas daw magkakaroon na ng ‘tatay’ si Yona. Meron ding malisyosa ang mga komento. Mabuti na lang sa tuwing sinasabi iyon ng mga tao wala ang anak niya kung hindi mapapaawa