“TITO, ano pong puwede ko itulong?” Napangiti si Keith at masuyong hinaplos ang ulo ni Yona na palaging nakatayo sa tabi niya mula pa nang magsimula siya maghanda ng lunch. “Wala na. Doon ka na sa sala. Hindi mo pa rin binubuksan ang mga pasalubong ko sa ‘yo. Magtatampo na ako.” “Gusto ko po kasama ko si mommy kapag nagbukas ako ng gifts. Saka ‘di rin po ako magiging happy kasi alam ko po na hindi okay si mommy.” Napatitig siya sa batang babae at lumobo ang puso niya sa pride. His daughter really grew up so well. Inakbayan ito ni Keith at sandaling niyakap. “I understand. Pero kaya ko na talaga ‘to. Upo ka na lang diyan sa dining table tapos kuwentuhan mo ako.” “Okay po.” Lumayo sa kaniya si Yona at umupo paharap sa kaniya. Matagal na tahimik lang sila pareho. Nailagay na niya lahat n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books