Synopsis

286 Words
Si Nene ay dalawampu't walong taon gulang na ngayon. Nag-iisang babae sa pitong magkakapatid. Si Nene ay lumaki sa isang magulong pamilya. Mapanakit na ama, at lasenggero. Ang kaniyang ina ay isang hamak na labandera, at iyon ang bumubuhay sa kanila. Mula pagkabata ay nakita ni Nene ang takbo ng buhay nila. Natuto siyang magbanat ng buto sa batang edad. Maagang namulat sa kahirapan ng buhay. Laba dito, laba doon. Linis dito, linis doon. Dahil siya ay nag-iisang babae na anak, ay siya ang naatasan ng paglilinis sa loob ng bahay, dahil ang kaniyang ina ay naglalabandera upang may maipakain sa kanila. Sa mura niyang edad ay nakita ng inosente niyang mga mata kung paano pagbuhatan ng kamay ng ama ang kawawa niyang ina. Nakita niya kung paano magbugbugan ang mga kapatid at ama. Si Nene ay isang batang paslit pa lamang noon at walang magawa kundi ang takasan nang takasan ang malupit na ama dahil wala siyang lakas upang labanan ito. Tago rito, tago roon. Iyon lamang ang kaya nilang gawin na magkakapatid. Naranasan rin ni Nene kung paano bugbugin ng sariling ama. Lahat ng klase ng pagmumura, pambubugbog ay naranasan niya. Naranasan nilang magkakapatid ang matulog sa kulungan ng baboy dahil sa takot na saktan sila ng ama. Kahit kulungan ng manok ay nagawa nilang paglipasan ng gabi, lalo na ang matulog sa kagubatan. Naranasan din nilang mag-almusal ng preskang niyog na binalatan pa nila gamit ng sariling mga ngipin. Nangalakal upang may ipanglaman sa kumukulong sikmura dahil sa gutom. Kung akala mo ay wala nang pag-asa ang buhay mo, heto at basahin mo ang kuwento ni Nene. Ang kuwento ng kaniyang buhay. Inyong tuklasin ang mga kaganapan na nangyari mula sa kaniyang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD