PAGOD na pagod si Daisy nang makauwi sa bahay kinagabihan. Mag-aalas-siyete na siya umalis ng opisina at siya ang huling umalis. Paano, hindi pa niya napapangalahating basahin ang mga papeles na ipinapagawa sa kanya. Ang dami kasing iniutos sa kanya. Ang hirap palang maging assistant. Lalo na at hindi siya sanay na inuutusan. Hinubad niya ang sapatos na suot at umupo sa kama. Hinimas niya ang mga sakong at napangiwi. Masakit pa rin talaga ang mga iyon. Biglang sumagi si Rob sa kanyang isip. “Next time, wear flats. I’m sure may battle shoes ka na hindi mapupuwersa ang mga paa mo.” Nahihirapan talaga siya na basahin ang lalaki. Tila palaging naninita at nag-uutos ang tono. Subalit maingat naman ang paghawak nito sa kanyang siko kanina. At hindi niya makalimutan ang kislap sa mga mata n