HINDI makapag-concentrate si Daisy sa trabaho. Hindi pa rin maalis sa isip ang naging usapan nila ng kanyang ama. Nagatungan pa iyon ng mga empleyadong nagbubulungan na naman tuwing makikita siya. Especially those who looked at her as if she was the worst slut in the world. Na para namang siya lamang ang nakikipaghalikan sa isang lalaki. At nang makita ni Daisy na tumatawag si Rob, naalala niya ang huling bahagi ng usapan nilang mag-ama. Na hindi naman magtatagal sa Pilipinas si Rob at aalis din ito sa kalaunan. Alam niya iyon umpisa pa lang kaya ikinagulat niya ang pakiramdam na para siyang sinaksak nang ipaalala iyon ng kanyang ama. Kasunod niyon ang paglukob ng takot. Takot na kapag nanatili pa siyang malapit kay Rob, masasaktan siya kapag umalis na ito. At iyon ang bagay na hindi hah