MAGANDA ang gising ni Daisy kinabukasan. Kahit halos alas-dose ng hatinggabi na siya nakauwi pagkatapos ng dinner nila ni Rob, nagising siya nang mas maaga pa rin kaysa karaniwan. Gayunpaman, mas maaga pa ring nagising ang kanyang ama. Bago umalis ay nakita niyang wala na sa garahe ang sasakyan nito. Patunay na nasa istasyon na ang kanyang papa. Ito lang yata ang kilala niyang nagmamay-ari ng isang kompanya na ganoon kaaga pumasok. Naglalakad na si Daisy sa lobby nang mapansin ang kakaibang tingin sa kanya ng mga taong naroroon. Ipinagtaka niya iyon dahil mula nang lumabas ang balita tungkol sa benefit concert ay hindi na siya masyadong tinitingnan nang ganoon ng mga tao sa paligid niya. Subalit ngayong umaga ay naroon na naman ang ganoong klaseng tingin. That look of judgment combined w