Caela. Patungo na kami sa gate ng academy dahil doon ang napagkasunduan naming meeting place. Naka-abrisyete sa aking magkabilang braso ang dalawa kong kaibigan. Kanina pa sila nagkukwento ng tungkol sa Mystique circle kaya naman lalo akong nakaramdam ng excitement. May carnival daw doon at tindahan ng iba't-ibang stuffs. "I'm so excited, pretty. First time nating mamamasyal. Oh my! Naeexcite ako para mamaya!" Sinugod agad kami ng yakap ni Peter. Nandito na ang lahat ng Superiors at kami na lang pala ang hinihintay. Ngayon ko lang din sila nakitang nakasuot ng mga casual na damit at hindi uniform. Sumisigaw ng karangyaan ang kanilang postura kahit na simple lang ang kanilang mga suot. "Ahm.. Mukha ngang mag-eenjoy ako." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Kahit na pusong babae itong si Pet