Caela. Naglalakad na kami papasok sa Mystique circle at patuloy pa rin sila sa pang-aasar sa akin. Nauuna kaming mga girls sa paglalakad at nasa hulihan naman ang mga boys. Medyo malayo ang agwat namin sa kanila. "Kinikilig ako sa inyo, ganda. Ayieh! May chemistry talaga kayo ni Dashiell." Kilig na kilig na saad ni Peter habang nakakawit ang kamay niya sa kanang braso ko. "Oo nga, girl! Hindi ko alam na mag-eeffort si Dashiell para maibaba ka. Ang kilala naming Dashiell ay walang pakialam sa mundo. Pero, I just can't believe it! Really!" Isa pa itong si Beatrice. Halos lahat sila kinikilig para sa akin. "Magkaka-lovelife ka na, sis." Masayang sabat naman ni Michie. Oh gosh! Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga pinagsasasabi nila. Hanggang ngayon kasi nararamdaman ko pa rin an