Caela. Sa wakas ay nandito na kami sa loob ng dorm namin. Ipinagpapasalamat ko na bahagyang kumalma na ang puso ko. Masyadong nagreact kanina! "Minsan na nga lang natin sila makita, napurnada pa." naiiling na ani Michie. I felt guilty! "Sorry na, Mich. Sigurado akong makikita mo pa naman sila dito. Iisang school lang naman ang pinapasukan natin, di ba?" lumapit ako sa kaniya at naglalambing na yumakap. "Hindi mo kasi naiintindihan, Caela. Bihira lamang sila makita ng mga estudyante dito. May special treatment na binibigay sa kanila, since mga royalties sila. Hindi sila hinahayaan na makisalamuha sa mga estudyante dito. Maarte ang council." Nakasimangot na sagot niya. "I'm sorry Mich." I kissed her cheek. I felt so sorry for her. Nasanay ako kay Mama na kapag humihingi ng tawad ay hin