Caela. Hindi na ako nagulat nang maabutan ko silang dalawa na tahimik na nakaupo at nakabihis na ng pambahay. Naunahan pa nila ako! "Ang bilis ninyo naman." Natatawang saad ko. "Hindi rin kayo excited no?" "Hindi naman masyado, sis. Slight lang." Natatawang ani ni Sophia. I could see excitement and curiosity in her eyes. "Dali na sis, upo ka na dito at umpisahan mo na ang magkwento." Tumayo pa si Michie para hilahin ako paupo sa tabi niya. "Saan ba ako magsisimula?" I decided to tell them everything but I don't know how and where to start. "Tungkol muna sa pamilya mo." Sagot ni Sophia Pamilya? Nakaramdam agad ako ng kalungkutan at pangungulila nang marinig ko ang salitang iyon. Kung hindi naman dahil sa akin, hindi ako mawawalan ng tinatawag at kinikilalang pamilya. I am in the ve