Pumasok siya at nakita ang ilang mga gamit sa loob ng staff's room. Mga luma rin ang mga electric fan at pundi ang ilang ilaw. Mainit sa loob at parang natutusta siya. Muli siyang napatingin kay David. "I think that you have a nice hotel, Mr. David! But as a businesswoman, I must say na kailangan rin nating alagaan ang ating mga employees." "Of course we are doing it, Miss Claudia! Mababa lang ang renta nila rito sa aming facility kaya naman nag i stay ang ilan sa kanila rito." Mas lalong na highblood si Claudia sa narinig niya mula sa binata, subalit nanatili itong mukhang kalmado sa harap niya. "If I were the owner of this hotel, I'll make sure na puro bago ang mga furnitures at fixtures ng ma staff ko. They dedicate more than 8 hours of their day sa trabaho and look at your surrou