"Yes Dad, napatawag po kayo?" sambit ni Andrea sa kabilang linya. "Teka lang, medyo choppy ka anak! Can you find another place with a better signal?" "Dad, I am already outside." Medyo lumapit si Andrea sa selda ng mga kabayo at tsaka naging okay ang signal nito. "Okay na po, Dad?" "Yes! By the way, I only have five minutes to talk to you so let's make this quick. What would you like to say?" "Dad," napabuntong hininga muna si Andrea bago ito magpatuloy na nagsalita, "Gusto sana ni tita Emilia at David na i adjust ang date ng aming wedding and to make it as early as possible. Sa akin po kasi, okay lang pero syempre gusto ko pong makuha ang opinion ninyo." "Of course, okay na okay lang sa akin kung mamadaliin ninyo ang wedding. Pwede naman akong sumaglit ng uwi sa Pilipinas. But I