Kinagat ni David ang kanyang labi na para bang ito ay nangigigil. "Ayun na nga ang pinagtataka ko eh! Grabe ang pagseselos niya kay Ms. Claudia, wala na sa lugar considering na ikakasal na kaming dalawa." "I will talk to her about this. Pero sana naman ay pagpasensyahan mo na ang fiance mo." "Nakakapagod na ma! Pangalawang beses na itong nangyari. She should act better than this. Please talk to her about this, baka magulat na lang tayo na biglang mag pull out ng shares si Ms. Claudia." "Don't worry, that is not gonna happen. I assure you na magtatagal si Ms. Claudia sa ating company. Wala naman siyang ibang choice dahil malayo na ang agwat natin sa mga kalaban nating companies. She is not going to pull out just because of Andrea. So right now, ang tanging hinihiling ko lamang ay wag mon