Manghang napatingin ang dalaga sa binata. Hindi niya alam pero pakiramdam niya nakahinga siya nang maluwag nang sabihin iyon nang binata. She is choosing her as his wife sa kabila nang katotohanang si Daniella dapat ang nasa lugar niya.
Is he doing this to save her face from humiliation? Lantad na ang pagiging anak niya sa labas, kung tutuusin ay, dapat piliin ni Andrew si Daniella dahil siya ang legal na Earhardt.
“If you are in doubt and being forced to this marriage you can always says no. walang sino man ang dapat gumawa nang mga bagay na hindi nila gusto o labag sa kalooban nila. You are free to choose or do whatever you want.” Wika ni Andrew na nakatingin parin sa mukha nang dalaga.
“Wait, so you are saying that she can choose not to marry you?” bulalas ni Daniella.
“Wait, Shin what’s this. You can’t do this. This is -------”
“You can always ask my nephew to choose from the ladies of Earhardt right?” wika ni Andrew na pinutol ang sasabihin nang ama niya. “As your son, I want to fulfil your promise to a friend. But if it is causing someone elsetrouble and unhappiness then----”
“No. I-” biglang agaw ni Anica sa sasabihin ni Andrew saka napahawak nang mahigpit sa kamay nang binata. Napatingin naman ang binata sa mukha nang dalaga. Habang hinihintay ang sunod na sasabihin niya.
“I already said I will marry the General. I had my resolve even before I knew who he was. At hindi pa ako sumisira sa sinabi ko.” Wika ni Anica saka timingin sa Binata. Kung ano man ang magiging pasya nang binata tatanggapin niya iyon. If she will end up being bullied by her father’s family then she will just have to make sure she can graduate early and be independent.
Dahil sa sinabi ni Anica biglang napakagat nang labi si Daniella at napakuyom nang kamao. Iniisip niyang aatras si Anica sa kasal dahil napilitan lang naman ito. Hindi niya alam kung anong iniisip nito at bakit hindi ito natatakot sa pwedeng mangyari sa kanila nang mama niya.
“Well, there you have it.” Wika ni Andrew at inilagay ang kamay sa ulo ni Anica na ikinagulat nang dalaga. Napatingin naman si Andrew sa matatanda.
“I guess, it’s all settled. Ang matagal niyo nang pangako sa isa’t-isa ang matutupad with our wedding right?” wika pa nang binata. Para kay Anica. He still sound so cold but his gestures are warm.
“Well, I guess. Wala nang tayong dapat pagtalunan pa. Seems both party’s agreed to this marriage.” Wika nito saka bumaling kay Anica.
“Just remember this, You are not forced into this marriage whatever happen, you should take responsibility and be mature enough to make decisions.” Habang nakatingin sa kanya ang lalaki. Pakiramdam niya ay hindi magiging madali ang buhay niya lalo na sa pagiging asawa nang heneral na ito. Para bang papasok siya sa isang magulong gyera.
“All right then. Shin Come here a bit.” Wika nang matandang si Edmund. Agad namang tumayo si Andrew saka naglakad patungo sa matatanda. Nang makalapit siya sa dalawa. Inilabas ni Edmund ang isang maliit na box. Saka ibinigay sa binata. Tinanggap naman ni Andrew ang kahon saka binuksan.
Nagulat pa si Andrew nang makita ang laman nang kahon isang silver ring na may white and red diamond. Hugis rosas din ang desenyo nang rosas. Sa labis na gulat niya napatingin siya sa matanda. Hindi niya alam kung bakit ibinibigay nito sa kanya ang ganoon ka mahal at kahalagang bagay.
“Sir, this is.” Wika ni Andrew sa matanda.
“That’s your mom’s ring. ” simpleng wika nang matanda kay Andrew.
“I know you’re mother will be happy that your bride will be the one to wear her most precious ring.” Dagdag pa nito.
“Thank you.” Mahinang wika ni Andrew.
“Now, give it to your bride.” Wika nang matanda saka ngumiti.
“Yes Sir.” Wika nang binata saka naglakad patungo kay Anica. Lahat nakatingin sa binata habang naglalakad ito patungo sa dalaga dala ang maliit na kahon na naglalaman nang mahalagang bagay mula sa ina ni Andrew. Hindi naman alam ni Anica kung paano kikilos. Lahat nang mata nakatingin sa kaya. Lalo na ang mga kapatid ni Andrew. Pakiramdam niya kahit ang lumunok nang laway ay hindi niya magawa.
Bigla siyang napatayo mula sa kinauupuan nang biglang lumuhod sa harap niya si Andrew saka inilahad ang singsing.
“Hey.” Mahinang wika ni Anica na napalingon sa mga miyembro nang pamilya niya. Hanggang sa madako ang mata niya kay Daniella na nag-ngingitngit sag alit ang mga mata dahil sa nakitang ginawa ni Andrew. Lalo namang nagngitngit si Daniella nang makitang tinanggap ni Anica ang singsing at isinuot ni Andrew sa daliri niya ang singsing.
Kasunod ay ang malakas na palakpak mula sa mga matatanda.
“You know you don’t have to do that.” Pabulong na wika ni Anica sa binata nang tumayo.
“It’s a good show for them to believe.” Wika nang binata.
“Now I really believe you are a demon.” Mahinang wika nang dalaga.
“Then you just have to become’s the Demon General’s Angel.” Wika nang binata saka muling naupo. Taka namang sinundan nang tingin ni Anica ang binata. Hindi niya alam kung paano magrereact those words are utter coldly. May kahulugan ba sa sinabi nito? Can she interpret it the way she want. And oh her hearts is in chaos right now. The Icy Demon General is giving her so much emotion.
*******
Anong ginagawa niyo?” gulat na wika ni Anica nang dumating sa mansion nang lolo niya kung saan nakatira ang unang pamilya nang kanyang papa. Inabutan niya ang asawa nang papa niya na pinapalo sa likod ang mama niya. Kakatapos lang nang kanilang dinner kasama ang pamilya ni Andrew. Nahuli siya sa pag-uwi dahil sinamahan pa niya si Andrew na ihatid ang ama nito pauwi sa bahay nila. Hindi naman niya inaasahan na aabutan niya ang pagmamaltrato nang mga ito sa mama niya.
Nang makita ni Anica ang ginagawa nang tita Melissa niya sa mama niya habang nakatingin lang si Daniella at Natasha dito. Agad niyang nilapitan ang kanyang ina at itinayo saka inilayo sa asawa nang papa niya. Isang matalim na tingin din ang ipinukol niya sa tatlo.
“Aba’t---” wika nang kanyang tita Melissa saka akmang hahatawin siya nang pamalo nito nguinit bigla niya itong sinalo na dahilan upang magulat ang tatlo. Ito ang unang beses na lumaban siya sa pang-aapi nang mga ito.
“Kita mo na Ma. Masyado nang mataas ang tingin niya sa sarili niya dahil lang sa siya ang magiging asawa nang Heneral.” Wika ni Daniella sa ina niya.
“Of course not!” tanggi ni Anica saka binitiwan ang pamalo ni Melissa. “Hindi ko maintindihan kung bakit niyo sinasaktan ang mama ko. Tinupad ko naman ang gusto niyo. ” wika nang dalaga.
“Tinupad? Kanina sa Dinner. You could have said na ayaw mong magpakasal sa kanya. Pero dahil gusto mong gumanti sa amin kaya hindi ka tumanggi di ba? Gusto mong ipamukha sa amin na mali ang desisyon naming.” Wika ni Natasha.
“Hindi totoo yan. That Icy general is brutal, sa palagay niyo kung tatanggi ako sa kanya when he is already ready to neglect the promised made by our grand father, sa tingin niyo makakabuti yun sa pamilya natin?” wika ni Anica.
“Kailan pa nagkaroon nang halaga sa isang bastardang gaya mo ang pamilyang ito?” bulalas ni Daniella. “Dahil saiyo, mama mo ang tatanggap nang parusa.” Dagdag pa nito saka ngumisi kay Anica.
“No!” bulalas ni Anica. “Sa akin kayo galit hindi ba? Ako ang magpapakasal sa Heneral. Kung gusto niyo ako ng saktan, Gawin niyo. Hindi ako lalaban. Ngunit tandan niyo.” Dagdag nang dalaga.
“Ito ang magiging huling beses na sasaktan niyo ako o ang mama ko. I won’t tolerate this next time.” Wika nang dalaga saka naglakad sa unahan agad naman siyang pinigilan nang kanyang mama.
“Anica.” Pabulong na wika nito. Lumingon naman ang dalaga sa ina niya at ngumiti saka marahang tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Naglakad siya papalapit sa Tita Melissa niya saka nakatalikod na lumuhod a harap nito.
“Anica!” hintakot na wika nang kanyang ina nang makitang inundayan nang palo ni Melissa ang likod nang dalaga. Simula pa noong bata pa si Anica. Tuwing nakakagawa siya nang pagkakamali ay ang mama niya ang tumatanggap nang parusa mula sa kanyang Tita Melissa. Hindi naman nila magawang manlaban dahil sa pangalawang pamilya lang sila nang papa niya. At bukod doon, halos araw-araw na ipinapamukha sa kanila Tita Melissa niya ang naging masamang epekto nang relasyon nang ina niya sa papa niya. Sa labis na guilt nang kanyang ina, alam niyang hindi na lamang itong lumalaban. Maging siya ay tiniis niya ang masamang pakikitungo nang mga ito para sa kanyang ina.
***
Are you sure, you are okay?” Tanong ni Alice sa anak niya habang inihahatid niya ito papalabas nang kanilang condo. Alam niyang may mga latay parin nang pamalo ni Melissa ang likod nito. Ngunit wala siyang narinig na daing mula sa anak. Ang totoo niyan ay itinuloy parin nito ang paglipat sa bahay nang Heneral gaya nang napagkasunduan nang pamilya nila.
“Okay lang ako.” Wika ni Anica. “Sigurado ba kayong gusto niyong maiwan dito?” tanong ni Anica sa ina niya.
“Hindi naman habang buhay magkakasama tayo. Magkakaasawa kana. May responsibilidad ka sa kanya. Isa pa mas gusto ko sa Flower Garden.” Wika nang ina niya. Ang flower garden na itutukoy nito ay ang maliit na business nito na siya ring libingan nang kanyang ina. Ito ang negosyong naipundar nito matapos umalis sa pagaartesta at ang condo unit kung saan sila nakatira.
“He’s so early.” Bulong ni Anica.
“Sino?” tanong ni Alice saka napatingin sa binatang naghihintay sa kanila.
“Magandang umaga po.” Wika ni Andrew kay Alice nang makalapit sila ni Anica sa binata.
“Magandang umaga naman. Mukhang busy ka, you could have ask someone na sunduin si Anica.” Wika ni Alice habang pinapanood si Andrew na isa-isang isinakay sa compartment nang sasakyan ang mga bagahe ni Anica.
“It’s not a big deal. I have to do this as his future husband.” Malamig na wika nang binata.
Icy as ever. Wika ni Anica sa sarili niya saka bumaling sa kanyang ina. “Ma. SIge na mauna na kayo sa taas.” Wika niya sa mama niya.
“No. I’ll watch you leave first.”
“Hindi na. Mas malulungkot ako kung panonoorin niyo ako.” Anang dalaga.
“All right. Be good okay. I’ll miss you.” Wika ni Anica sa anak saka ngilid ang lha sa mata. Kung iisipin ito ang unang beses na maghihiwalay sila nang anak niya. She’ve been through a lot at marami na silang tiniis na magkasama.
“I’ll miss you too. Huwag kang masyadong magpapagod. Call me if something happen.” Wika ni Anica saka niyakap ang ina. Pinipigil niya ang sarili na umiyak dahil ayaw niyang makita siya nang ina niya sa ganoong ayos. Gusto niyang isipin nang mama niya na malakas siya only then alam niyang mapapantag ito.
“General. Saiyo ko na inihahabilin ang anak ko. She is stubborn at times but she is a good girl. Please take good care of her.” Wika ni Alice saka iniabot ang kamay sa binata habang nakayapos parin sa kanya si Anica. Gustong maiyak ni Anica dahil sa sinabi nang kanyang mama kinagat na lamang niya ang kanyang pang ibabang labi upang pigilan ang sarili.
“Don’t worry. I will take care of her in your place. I will make sure to protect her with all my life.” Wika ni Andrew saka tinanggap ang kamay nang binata.
For an ice man like you, you can say those word. You are a good actor. Bulong nang isip ni Anica saka kumalas sa mama niya.
“SIge na ma, bumalik na kayo sa taas.” Wika ni Anica.
“Pero paano kung---” biglang naputol ang sasabihin ni ANica.
“Kaya ko na ang sarili ko.” Ngumiting wika ni Alice sa anak.
“Kapag, sinaktan ulit kayo ni tita Melissa, tawagan niyo ako. Hindi ako papayag na inaapi kayo. Lalo na’t hindi na ako parating uuwi sa mansion.”
“Oo na.” natawang wika ni Alice “You have to behave there okay. Don’t be stubborn and give your in laws a hard time.” Wika nito saka hinimas ang kamay ni Anica na hawag niya. “I have prepared myself to send you off on the day you get married. I was just not prepare it will come this early. Hindi ka dapat nasa sitwasyong ito kung mas----”
“Ma.” Putol ni Anica sa sasabihin nang mama niya. Alam niyang sinisisi nito ang sarili dahil sa pagdesisyon niyang tanggapin ang arrange marriage na iyon. “It was my decision. I will be okay. Besides I think their family is not that bad.” Wika ni Anica para mapanatag ang loob nang mama niya.
“You are a strong girl. I am thankful you grow up like this.”
“I am your girl syempre, I am strong.” Assurance ni Anica sa mama niya saka inihilig ang ulo sa balikat nito. Saka niya napansin si Andrew na nakatayo sa labas nang kotse. Nakasuot pa ito nang camouflage pants at itim na T-shirt mukhang kakagaling lang nito sa kampo.
“All right. Take care okay.” Wika ni Alice sa anak saka hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Anica bago ito bitiwan saka bumaling kay Andrew. “Take care of her.” Wika nang ginang saka ngumiti.
“I will. You can always visit her anytime.” Tumango naman si Alice saka tumalikod. Habang naglalakad siya pabalik sa unit pakiramdam niya ang bigat nang mga paa niya. Then her tears fall down.
“You know you can always visit her anytime you want.” Wika ni Andrew saka naglakad patungo sa passenger’s seat at binuksan ang pinto.
“I know.” Wika ni Anica saka naglakad patungo sa sasakyan. “Aw!” biglang daing ni Anica nang hawakan ni Andrew ang likod niya habang inialalayan siya nitong pumasok sa kotse. Dahil sa reaksyon nang dalaga biglang itinaas ni Andrew ang kamay niya saka napakunot nang noo.
“Are you okay?” tanong nang binata.
“I’m okay. Wala ito.” Wika ni Anica saka pumasok at naupo. Agad namang isinara ni Andrew ang pinto. Saka nagtungo sa driver’s seat. Nang makapasok siya napatingin siya sa dalagang nakatingin sa condo.
“You can cry if you want to.” Wika ni Andrew saka binuhay ang makina nang sasakyan.
“Who would want to cry in front of an icy general like you.” Wika ni Anica saka pinahid ang luhang tumulo sa mata niya.
“Yeah, who would.” Malamig na wika ni Andrew na nakita ang ginawa nang dalaga saka pinaandar ang sasakyan. Mula sa pinto nang Condo Nakita ni Alice ang pag-alis nang sasakyan ni Andrew. Hindi parin niya maiwasang hindi malungkot na makitang umalis ang anak niya at isiping sa ibang bahay na ito titira kahit pasabihing inihanda na niya ang sarili sa ganitong pagkakataon.
Labis ang pagkamangha ni Anica nang dalhin siya ni Andrew sa isang malaking bahay. Nasa isang pribadong lugar ang mansion. Hindi niya akalaing ganito kalaki at ka ingrande ang masion nang mga Bryant. Wala ang mansion nang lolo niya kung ikukumpara.
Nang bumaba sila ni Andrew sa kotse agad silang sinalubong nang ilang mga katulong na siyang kumuha nang mga gamit ni Anica. Kasunod noon ang paglabas mula sa mansion nang pamilya ni Andrew, Kompleto ang buong pamilya nito na dahilan upang lalo siyang kabahan.
Maglalakad sana si Andrew upang salubungin ang pamilya niya ngunit pigilan siya ni Anica. Napatingin pa siya sa kamay nang dalaga na nakahawak sa braso niya. Bago tumingin sa mukha nang dalaga.
“What is it?” tanong nang binata sa dalaga.
“They are also living here?” tanong nang dalaga sa kanya.
“They are my family and it’s a big house, where else would they live?” malamig na wika nang binata. “You will live her for the time being you have to get use to seeing them everyday.” Wika nang binata.
“For the time being?” Tanong nang dalaga saka binitiwan ang kamay nang binata.
“Do I look like a person who would live in this kind of place?” tanong nang binata sa dalaga.
“You ‘re not. You are a person who is more likely to live in a fridge.” Wika ni Anica saka inilayo ang tingin sa binata.
“Let’s go.” Wika ni Andrew saka naglakad patiuna upang salubungin ang pamilya niya. Nang nang nasa harap na niya ang matanda huminto ang binata saka sumaludo sa matandang lalaki.
“You came.” Magiliw na wika nang matandang Bryant saka hinawakan ang kamay ni Anica. SImpleng ngiti lang ang tinugon ni Anica sa matanda. Hindi niya inaasahan na sasalubungin siya nito at nang buong pamilya nang binata. “Come.” Wika nang matanda saka inakay siya papasok sa mansion. Hindi naman kumibo si Anica bagkus ay napatingin lang siya kay Andrew na tahimik lang. Sumunod sa kanila ang ibang miyembro nang pamilya maliban kay Francis at Luke.
“Who would have thought, na magugustuhan ni Papa ang magiging asawa mo. He is showing her with so much affection.” Wika ni Francis sa kapatid niya.
“It’s not something to be surprised of. Nagdala nga siya nang isang stranghero sa pamilyang ito ang treated with more love and attention compare to his own sons.” Wika ni Luke saka tumingin kay Andrew.
Hindi naman nagsalita ang binata bagkus ay napakuyom lang ito nang kamao.
“Are you happy now, na mukhang nasa iyo na naman ang atensyon niya Being the person to fulfil his long awaited dream?”
“Don’t get so cocky. Without your title as a general and our name. You are nothing but a nameless person.” Wika ni Francis saka inilagay ang kamay sa balikat ni Andrew.
“Let’s go.” Wika ni Luke na nagpatiuna. Sumunod naman si Francis sa kapatid niya. Naiwang nakatayo doon si Andrew habang nakakuyom ang kamao.
Iniisip niyang paano niya makakalimutan kung ano ang papel niya sa pamilya nang mga Bryant gayong parating ipinaalala sa kanya nang mga kapatid niya kung sino at ano siya. Alam naman niya matagal na hindi siya gusto nang mga ito.
Walong taon siya noong makilala niya si Edmund Bryant. Nasa Japan siya noon isang hawak nang isang grupo nang mga yakuza. Walong taong gulang siya pero hindi niya kilala kung sino siya at kung saan siya galing. Tinatawag siyang “Shin” nang mga yakuzang kumupkop sa kanya. May mga illegal silang Gawain at brutal. Ngunit, Mabuti ang pakikitungo nang mga ito sa kanya lalo na ang leader nang Yakuza na iniisip pang ipamana sa kanya ang grupo. Ngunit dahil sa pagta-traydor nang isa sa mga tauhan nito namatay ang lalaki at nahuli nang UN special forces ang grupo. Isa sa leader nang UN special force noon si Edmund.
Iyon din ang huling misyon na hinawakan nito bago magretiro. Hindi niya alam kung anong Nakita sa kanya nang matanda. Kinupkop siya nito and evem process an adoption para sa kanya. At dinala siya sa bansa na may bagong pangalan at katauhan. Hindi man niya alam ang dahilan ito. Ipinangako niyang magiging tapat na anak sa lalaki at gagawin lahat nang bagay na gusto nito. He join the military at an early age. He excel on all the things he do ang was even called a genius and a prodigy. And at an early age, he become the famous demon General.
Akala niya ay matatanggap siya nang mga anak nito kung magiging isa siyang anak na maipagmamalaki nang pamilya. Never once in his life na gumawa siya nang bagay na dudungis sa pangalan at karangalan nang pamilya dahil iniisip niyang. Ito lang ang magagawa niya upang tanggapin nang mga ito. Besides, wala siyang ibang mapupuntahan. Isang malaking misteryo ang buhay niya.
“Saan ka galing?” paubulong na tanong ni Anica kay Andrew nang pumasok ito sa loob nang bahay saka naupo sa tabi nang dalaga. Kasalukuyang, nasa living room lahat nang miyembro nang pamilya at kausap si Anica. Pakiramdam nang dalaga nasa isang interrogation room siya. The way they look at her is making her feel uneasy and dizzy at the same time.
“I need some fresh air.” Ganting bulong nang binata. “I think you are fitting in perfectly.” Dagdag nang binata.
Fitting in? Yah! Nakikita mo ba ang tingin nang mga ‘to sa’kin? Inis na wika nang isip nang dalaga. Ngunit pinigil niya ang sarili na huwag isatinig iyon.
“Icy demon.” Wika nang dalaga sa binata.
“Mukhang nagkakasundo kayong dalawa.” Nakangiting wika nang asawa ni Francis kay Anica at Andrew nang makitang nagbubulungan ang dalaga. “Sinong magsasabi na arrange marriage ito gayong nagbubulungan kayong parang tunay na magkasintahan.” Dagdag pa nito.
“It’s a good thing right.” Masayang wika nang matanda. Simple namang ngumiti si Anica. “You will stay here for the time being. Habang inaayos ang bahay ni Shin sa kampo. Hindi ko maintindihan sa batang ito kung bakit hindi nalang siya dito tumira napakalaki nang bahay na ito.” Dahil sa sinabi nang matanda napatingin si Anica sa binata.
“He is military man. Of course, he like to be around with anything that has to do with military, even the air.” Wika ni Francis.
“This house is nothing but a big prison cell for him.” Dagdag pa ni Luke. Habang nakikinig si Anica sa mga ito. Iniisip niyang parang hindi gusto nang mga kapatid niya ang binatang Heneral.
“What I think is….” Biglang wikani Anica dahilan upang mabaling sa kanya ang tingin nang lahat. Bigla naman siyang napalunok nang makita ang mga mata nang mga ito. I’m dead. Me and my big mouth. Wika nang isip ni Anica.
“Ah.. ibig ko pong sabihin. Icy—Shin. Is suited as a soldier. He looks dignified and manly wearing his military uniform. People called him a demon general because of his merciless strategies towards those who offend the law. That they never see, a person who is willing to do anything to defend those who are weak.”
“What I think is. Everyone of us is looking for a place where we fit in. It’s not different from Icy—shin. Or even me.” dagdag ni Anica
“So I think being in the military is a place where he can find peace.” Dagdag na wika nang dalaga. Matapos ang sinabi nang dalaga. Biglang isang mayani ang katahimikan ang namayani.
“Now that I think about it. Did you just call him shin?” tanong ni Francis na siyang bumasag sa katahimikan.
“Now that you mention it. Si papa at ikaw lang ang tumawag sa kanya sa pangalang yan. He would normally glare at someone calling him with that name.” dagdag ni Luke.
“Ah. That---” wika ni Anica at napatingin sa binata.
Yah, icy general. Ano bang meron sa pangalan mo at masyadong big deal? Tanong nang isip ni Anica habang nakatingin sa binata.
“May pasok ka pa hindi ba?” biglang tanong sa kanya nang binata.
“Ah..oo.” alangang wika nang dalaga.
“Then. We will excuse ourselves. Sasamahan ko muna siya sa silid naming para makapag palit. We can continue the meet and greet later. Can’t we?” tanong ni Andrew na tumayo.
“All right. Let’s continue our talk later then.” Nakangiting wika ni Edmund.
“Then. Let’s go.” Wika ni Andrew saka naunang umalis sa living room. Agad namang tumayo si Anica upang sundan ang binata. Simple siyang nag paalam sa mga ito saka sumunod sa binata.
“Nasa loob na ang mga gamit mo. Come out after you changed you clothes. Ihahatid kita sa school mo.” Wika ni Andrew saka binuksan ang pinto nang silid.
“Okay.” Simpleng wika ni Anica saka pumasok at isinara ang pinto. Nang maisara niya ang pinto nakapatingin siya sa dito.
“That Icy general.” Inis na wika ni Anica. “Even this room screams of his cold personality.” Wika ni Anica na napatingin sa silid. Gray and white ang desinyo nang buong paligid. Mula sa pintura nang silid hanggang sa kurtina at maliit na detalye.
“Well, what do I Expect from an Icy general like him.” Wika ni Anica saka naglakad patungo sa pinto nang banyo.