Shin!” bulalas na wika ni Anica sabay bangon mula sa kinahihigaan. Nang magmulat siya nang mata Nakita niya ang silid na kinalalagyan niya. Silid niya iyon sa bahay ni Director Kim. Napansin din niya ang dugo sa balikat nang damit niya. Ngunit wala siyang sugat ang huling natatandaan niya ay itinutok ni Andrew ang baril sa ulo niya kasunod ang malakas na putok. O baka naman na nanaginip siya ngayon. At talagang patay na siya. “Anya! Gising kana kumusta ang pakiramdam mo?” Tanong ni Alice na pumasok sa silid kasama sina, Guiller, Rafael at Director Kim. Bigla naman siyang naguluhan sa mga Nakita. Ibig sabihin ay buhay pa siya at ano namang ginagawa nang mga ito sa silid niya lalo na sina Guiller at Rafael. “Anong nangyayari? Si Shin?” tanong ni Anica sa kanila. “Huminahon ka muna.” Wik